"Nandoon ang pinsan mo sa kwarto, nagmumukmok...Hindi ko alam, dalawa na nga ang award niya'y nagkakaganoon pa din..."
Kauuwi lamang namin sa Magallanes ngayon. Binaba ko ang gamit ko. Gabi na din nang makarating kami. Hindi ito ganoon kalayo sa byahe.
Napangiti ako, lumabas si tita. Madilim ang bahay at chandelier lamang ang ilaw, hindi ito ganoon kaliwanag.
Umakyat ako ng hagdan at lunapit sa pinto. Narinig ko ang ilang hikbi ni Koleen.
"Koleen, si ate 'to..."
Narinig kong tumayo siya sa kama niya, nagmamadaling binuksan ang pinto at hinila ako papasok.
Niyakap niya ako agad at humagulhol.
"GALIT AKO SA MUNDO, GALIT NA GALIT!"Aniya.
Hindi ako agad sumagot. Hindi ako kaagad nagsalita at hinaplos ang buhok niya.
"NAPAKA DAYA! N-NAPAKA DAYA, PROMISE! TINATANTADO N-NIYA AKO EH, P-PERO AYUN! MAY AWARD PA DIN SIYA SA S-SCHOOL!"
Pft, may linya akong naalala ah.
Naomi, hindi ka main character bakla ka.
Buti na lang, wala dito ang hilaw na hapon.
Ano 'to, salamin para makita ang nakababatang kapatid? Pft...Natatawa tuloy ako, pero itinatago ko iyon. Naiintindihan kong mahirap pairalin ang maturity kapag natatalo ng emosyon.
Maya-maya, umiiyak na lamang siya kaya kinuha ko ang tyempo para magsalita.
"Galit ka ba talaga, o nasasaktan?"
Tumingin siya sa akin at pinunasan ang luha niya.
"Koleen, matalino ka, alam kong hindi ikaw ang nasasaktan kundi ang ego mo..."ani ko at pinunasan ang luha niya.
Umupo siya sa tabi ko sa kama. Mas niyakap ko lang siya.
"Huwag kang mag-aim na maging miserable sila, mag-aim ka na maging masaya ka...hmmm?"
"P-Paano ko gagawin 'yun? Eh ang mga taong rason bakit ako naging miserable, ayun at nagpapaka-saya..."
Ngumiti ako at hinawakan ang maliit niyang muka.
"Pero isipin mo, ang buhay mo...dapat tungkol sa'yo at hindi tungkol sa kanila. Kase kapag pinagpatuloy mo ang negatibong ideya mo sa kanila, masasaktan at masasaktan ka lalo. Tignan mo, best in writing ka at high-honor ka pa, pero hindi ka man lang proud sa sarili mo dahil lang sa...may award ang ibang tao? Noong nagkaroon ba sila ng award, 'diba hindi ka naman napahamak? Pwera na lang noong ni-take mo 'yun ng personal..."
Tumahan na siya. Maya-maya ay tawa na ng tawa.
Nahahawa tuloy ako, para siyang bruha...
"ANG TANGA TANGA KO TALAGA! BAKIT NGA BA AKO NAGMUMUKMOK?! KANINO BANG BUHAY 'TO?! HINDI BA'T SA'KIN?! BA'T IIKOT ANG MOOD KO SA IBA?! NABABALIW NA AKO!"
"Masaya ka na ba ngayon?"
"Oo naman, ate...sadyang kasalanan ko din na nag-wi-wish ako ng masama tungkol sa kanila...Kaya ako nagiging villain na ex eh."
Kaya ka nagiging villain na ex eh.
Tawa din ako ng tawa, naaalala ko kung sino ang nagsabi noon sa akin. Noong oras na sobrang miserable ko't sa huli, na-realize ko na napaka pointless. Walang kwenta ang rason bakit ako miserable.
"Kaya din siguro ako nagkakaganito, may regla ako...Ano ba naman 'yan. Isa lang naman siyang random people from the past. Tapos ako 'tong si OA, grabe siya gawaj ng kwento sa utak ko. Wow, sa katangahan ko, narrator ako ng buhay ng iba at walang sariling buhay. Pft, nag-aksaya ako ng oras dito sa kwarto imbis na mag-diwang. Bwisit! Ate, kuha ako ng pagkain natin ah. Diyan ka muna, 'wag ka mag-alala at ayos na din naman ako. "
BINABASA MO ANG
Snow On The Beach
Teen FictionVillain sa story ng iba, minsan naman...Narrator. That is how my senior year feels like. Egocentric at overthinker, napaka gandang combo...hindi ba? But someone made me see something from within.