Naglalakad ako papunta sa opisina ng school. May ipinadadala ang head teacher sa akin sa principal's office. Ito ay ilang record ng mga graduated na. I analyzed it.
Napangiti ako nang makita ang ilang pangalan.
Chlarence Tadeña.
Sunny Belancio.
Melanie De Guzman.
Jayzel Hiecor
Danha Climacozah.Mga kaibigan ko noon. Kapag may events sa school, sila ang takbuhan ko. Sinuportahan nila ako. Para silang nagsilbing mga nanay at ate sa akin. Kay ate Melanie ko din nalaman ang ilang impormasyon na natakot akong sa iba ko malaman...o ako mismo ang maka-diskubre.
Hindi ko maiwasang ma-miss sila. Pero naroon pa din ang parte sa akin na masaya ako't naka-laya na sila. Alam kong mabuting bagong environment ang makaharap nila.
Kahit kapalit noon ay maiwanan ako ng mag-isa't napalilingon na lamang sa classroom ng dati nilang section, na tila naging tahanan para sa'kin.
Tanga tanga ng baklang 'yan, kumakain nang mag-isa. Kaya ayan, niyaya ko.
Simula ngayon, nakshit ka na namin.
Mahal na mahal ka namin tangina ka.
Lika, aampunin ka lang namin palagi.
Dito ka na lang, panget naman mga ka-section mo.
Ang mga nakatatawang memorya noon para sa akin, nagdudulot na ng pangungulila.
Hindi ko maitatanggi na sobrang nakaka-miss. Nakakausap ko pa din naman sila ngunit busy na din sila sa kolehiyo, kaya ayaw kong maka-istorbo.
"Hoy, bakla..."
"Ay wow, sino ka diyan?"
Napalingon ako sa nagsalita.
"Chlarence?!"
Niyakap ko siya. Siya iyong bakla na hindi mo mapagkakamalang bakla. Ampogi-pogi ng tarantadong 'to, masculine pa. Malalaman mo lang na bakla siya kung makakausap mo siya.
Naaalala ko kung paano siya pumayag maging Vice President ko. Kung paano niya sinalo ang mga responsabilidad na akin. Kung paano niya ako iniligtas, pinatawa, at minahal na parang nakababatang kapatid. Kung paano niya pinunasan ang luha ko't pinatahan ako.
"Miss na miss na kita...I love you..."
Hanggang sa napalingon ako sa may pinto. Si Shaundrei.
HINDI NIYA ALAM NA BAKLA SI CHLARENCE!
Naglakad siya ng mabilis. Kinausap ko saglit ang mga kaibigan ko noon at himabol siya. Pero wala siya.
Gusto ko pang matawa noon una, pero nakita kong nanginginig ang kamay ko. Paano kung...pagdabugan din niya ako? Paano kung hindi din niya ako pansinin? Paano kung...hindi niya maintindihan...
Napa-upo ako sa upuan malapit sa classroom namin. Nahihirapan nang huminga.
Naomi, ikaw kasi, ano-anong iniisip mo. Paranoid ka na naman. Nakakainis, gawa ka na lang ng gawa ng sariling problema. Tanga ka talaga. Kung meron mang may kasalanan, ikaw.
Nag-pa-panic ako, hindi ko alam bakit ako kakalma.
Hanggang sa may lumabas ng classroom. Nakapamulsa siya. Naka-suot ng PE uniform. Tinago ko agad ang kamay ko. Tumungo ako.
"Ikaw ang nakita kong may kayakap ng
iba, pero ikaw ang nagmumukmok?"Lalo akong nanlumo. Hanggang sa tumutulo na ang luha ko.
"S-Sorry..."
Umiwas siya sa yakap ko.
Paano ko sasabihin sa kaniya na gano'n?
BINABASA MO ANG
Snow On The Beach
Teen FictionVillain sa story ng iba, minsan naman...Narrator. That is how my senior year feels like. Egocentric at overthinker, napaka gandang combo...hindi ba? But someone made me see something from within.