Nineteen

18 1 0
                                    

Kahit umamin na kami sa isa't-isa, ang pinaka nagustuhan kong nangyari ay tila walang nagbago. Walang nailang. Ganoon pa din kami sa isa't-isa.

Hindi ko din naramdaman na may mabigat akong responsabilidad na kailangang i-full-fill ngayon.

Sadyang parang ang saya lang sa pakiramdam na parang may nagbago sa buhay ko. Kung noon ay takot akong makinig ng mga magagandang kanta dahil  sa kung kani-kaninong love-story ang nai-imagine ko, ngayon ay nakangiti na akong mag-isa habang nagliligpit ng plato, itinatago kay mama.

"Naomi, alin ang mas maganda?"

"Yung black kase mas madaling bagayan kahit anong suot." Sagot ko kay mama.

Ano ba 'yan, hindi ako maka-ngiti ngayon ah. Nagtitimpla kase ng kape ni mama.

"Magalit man ang langit, 'di matitinag ang tulay..."

Narinig ko ang awitin. Alam kong hindi magagalit ang langit dahil sa dama ko ang pag-alalay sa akin ng Panginoon sa puntong ito. Na tila hindi ko kailangang i- gaslight ang sarili ko kung tama bang buksan muli ang puso ko.

Grabe, ang sarap talaga sa pakiramdam magtiwala kay Lord. Buti na lang, hindi ako pinayagan noon lumipat ng school.

Nang matapos magligpit, bumalik ako sa salas kung saan ako nag-a-aral. Hindi ko binubuhay ang ilaw dahil sa mas gusto ko ang kakaunting sinag ng araw.

Maya-maya ay tumawag si Rhianne.

"Hmmm?"

"TANDA MO 'YUNG NAKA-FLING MO?!'YUNG ANAK NG PASTORA, SI JACKSON? BABALIK NA SA SCHOOL."

Natawa ako.

"Rhianne, kahit naman naki-cringe ako sa kaniya, wala na akong pakealam sa kaniya at sa presensiya niya. That was just a mistake..."

"KAHIT NA, NABWIBWISIT PA DIN AKO KAPAG NAAALALA KO 'YANG NARCISSISTIC NA 'YAN, GUSTO KO SIYANG IGISA!"

Grabe, siguro'y walang kasama sa kanila kaya ganiyan kalakas ang bibig.

"Rhianne, kasalanan ko din naman kase pumasok ako sa buhay para i-cut-off ko lang din. Pero thankful ako kay Lord na hindi kami nagkatuluyan..."

Wala siyang panama kay Teoshaun bagamat ayokong magkumpara ng mga tao.

"Buti na lang talaga, kamusta naman kayo ng crush mo? Admiring from afar na ba?"

"Umamin na siya sa'kin."

Napagtanto ko ang aking sinabi. Napakagat labi ako at napa-ayos ng upo. I cleared my throat.

"Narinig ko 'yun, Naomi! Kaya naman pala parang minor inconvenience na lang sa'yo ang lahat..."

Saglit pa kaming nagkwentuhan.

Tanda ko noong isang beses na nag-selfie siya ng 0.5 sa cellphone ni Alden, nahagip ako ng camera sa gilid. Nakita kong ni-zoom niya iyon at tinignan ako ng patago.

It's always the simplest things that he does. Hindi niya kailangang maging trying-hard.

Kaya din siguro hindi ako nailang sa kaniya, hindi siya creppy. Kapag nagbabasa ako, hinahayaan lamang niya ako bagamat nangungulit siya minsan. Kahit malapit din ako kina Alden, parang normal lang sa kaniya't hindi ko naramdaman na nagseselos siya bagamat matagal na niya akong napapansin.

Paano ko nalaman? Dahil sa kaya naman pala binuksan ang bag ko kahapon, may inilagay. May kasama ding solid-perfume. Iyong perfume na plinano naming bilhin ni Rhianne, kaso'y lagi namin nakakalimutan i-order. May isang libro din na nabanggit ko kay Jake minsan.

Snow On The BeachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon