"What I felt wasn't anger, it was resentment...Ang hirap na nasira ang well-being mo dahil sa masakit na ginawa ng ibang tao. Kase you don't have a choice but to pick and find yourself one by one again. Kaya whenever someone would ask me if I am mad, sinasabi ko na hindi..."sagot ko aa tanong ni Jake.
Kumakain kami ng lunch ngayon sa classroom. Magkakasabay kaming apat. Tapos na ang bakasyon at balik-eskwela na ulit kami. Na-miss ko 'to, sobra.
"Ako, galit, tangina niya at tangina ng mga nagtatanong."Teoshaun.
"Yoshawn..."saway ko.
Napangiti siya sa akin. Nakabukas ang uniform niya, kita ang sando sa loob. Nakatanggal din ang best at necktie. Feeling siga talaga...
"Ayun na din ang tawag mo sa'kin..."
"Gano'n na din ba tawag namin?"si Trina, napadaan.
"Hindi, si Naomi lang."seryoso niyang saad.
Nakita ko kung paanong mukang nahiya si Trina.
"Suplado talaga..."bulong ni Jake.
"Bakit? Sinabi ko lang na only Naomi could call me that because it sounds special for her. I didn't say anything offensive, I just made someone aware about our boundaries."
Yes I do, father.
Hay, ang saya saya mabuhay. Parang noon, ako na itong harap-harapang bonabastos, ako pa 'tong ipagtatanggol ang relasyon. Siya, with his intimidating facecard, he did that.
That was just a simple thing for Teoshaun. But it matters a lot for me.
"Napalaki kita ng tama..."Jake.
"Simpleng bagay lang naman 'yun, as if I did something heroic for peter's sake..."
Sumandal ako sa balikat niya. Nakakaantok talaga...
Bahagya siyang natawa at hinaplos ang buhok ko. Himala't wala sa mood na asarin ako.
I could clearly remember how I find it hard to take a rest back then. How hard it is to sleep. Sobrang gulo ng isipan ko, ang daming thoughts na pumipigil sa akin makapag-pahinga. Tahimik man ang paligid, isipan ko ang magulo. Pakiramdam ko'y napaka daming matang nagmamasid, ngunit mag-isa ako.
Nang bahagya kong imulat ang mata ko, nakita kong kinukuhanan pala kami ni Rhianne ng litrato. I made a peace sign.
"Nag-puyat ka ba?"
Umiling ako. Nakita kong pinapapak ni Rhianne ang pasalubong kong strawberry jam. Napaka cute talaga ng bestfriend ko.
"Rhianne, ang cute-cute mo..."ani ko.
"Ha?"
Natawa na lamang akong umiling.
May mga oras din naman na gumagala silang dalawa ni Jake dito sa school, minsan kasama si Alden at JL. Pero kampante ako. May individuality kami at wala din akong naririnig na reklamo kapag may ginagawa o ginagalaan kami ni Rhianne na hindi sila kasali.
"Lovey, may hindi ako ma-gets, 'yung analogy ng when you spilled a cup of coffee because someone bump into you..."
Lumingon ako kay Teoshaun.
Hinawakan ko ang buhok niya at inayos ito. Nakatutok sa akin ang atensiyon niya.
"You missed mentioning the lesson behind that..."
"Anong lesson?"aniya habang nakangiti.
"Natapon ang kape dahil kape ang laman noon. Dahil may kape iyon. Whatever inside the cup would be spilled. Kung wala iyong laman, walang matatapon. To simplify it, hmmm...Hindi ko alam kung tama ang pagkakaintindi ko, pero tungkol iyon sa tuwing binibigyan tayo ng hamon ng buhay. Whatever we're carrying out would be revealed by triggers..."
BINABASA MO ANG
Snow On The Beach
Teen FictionVillain sa story ng iba, minsan naman...Narrator. That is how my senior year feels like. Egocentric at overthinker, napaka gandang combo...hindi ba? But someone made me see something from within.