T A I R I SH
M A M A R I ELunch break namin ngayon at naglalakad ako mag-isa papunta sa cafeteria. Hindi nanaman pumasok si Ryoken simula kahapon. Medyo nakakapagtaka rin na hindi ako ginigulo ng Kurt na 'yon.
Bakit ko nga ba sila hinahanap?
Dapat nga magpasalamat pa ako dahil tahimik ang araw ko pero pakiramdam ko may kulang kapag hindi ako ginugulo ni Kurt. Hindi ko naman siguro namimiss ang presence n'ya. Siguro bored lang ako.
Tama, bored lang ako.
"Tairish!!"
Napalingon ako sa biglang tumawag sa'kin.
"Ella!"
Sinalubong ako ni Ella ng isang yakap na halos ikatumba ko na.
"Kapag ikaw ang nand'yan wala si Riye, tapos kapag si Riye ang nandito, ikaw naman ang wala." Sabi ko.
Napasimangot nalang rin ako dahil hindi tuma-timing ang pagkikita naming tatlo.
"Riye? Narinig ko s'ya kay Shane.. sino bang Riye 'yan, naiintriga na ako."
Si Tyler? kilala n'ya pala si Riye?
"Kilala ni Tyler si Riye?"
Nagulat s'ya sa tinanong ko at parang biglang hindi napakali.
"A-ano sinabi ko ba 'yon?"
Hindi ka talaga magaling magsinungaling, Ella.
Pinangsingkitan ko s'ya ng mata at nakita ko ang kabadong reaksyon n'ya.
"Kakarinig ko lang, gagawin mo pa akong bingi." Reklamo ko.
"W-wala, natanong n'ya lang kung kilala ko."
May tinatago ba s'ya sa'kin?
Halatang-halata kasi kapag nagsisinungaling si Ella. Sa mga mata n'ya palang makikita mo nang hindi s'ya nagsasabi ng totoo.
"Ang hirap talaga kapag hindi slow kaibigan mo, hirap utuin."
Narinig kong nabulong bulong si Ella, pero hindi ko maintindihan dahil halos kasing hina na ng langgam ang pagsasalita n'ya.
"Ano?" Tanong ko.
"H-ha? Nothing." Sagot n'ya na medyo may ngiting alanganin.
Ang weird ni Ella ngayon.
"Tairish!" Sabay kami na napalingon ni Ella sa tumawag sa'kin.
"Riye!" Agad na lumawak ang ngiti ko nang makita ko si Riye na tumatakbo papalapit sa'min ni Ella.
"S-sorry kahapon, Tairish.. sumama kasi pakiramdam ko kaya umuwi ako."
Bakit ba nauutal silang dalawa sa'kin? Pakiramdam ko talaga may tinatago ang dalawang 'to.
"Okay lang 'yon! Oo nga pala, Riye si Rafaella, Bestfriend ko, Ella si Riye, childhood friend ko."
Agad silang ngumiti sa isa't-isa.
"Hi!"
"Hi!"Natawa ako nang magkasabay silang bumati at sabay rin na nilahad ang kamay nila sa isa't-isa. Mukhang hindi ako magkakaroon ng problema dahil sa tingin ko ay mabilis silang magkakasundo.
![](https://img.wattpad.com/cover/40575859-288-k205563.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
Novela JuvenilKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back to life, his first love who...