Prologue

64.6K 773 12
                                    

"Manong wait!? " habol ko kay Manong driver ng jeep. Muntik pa akong maiwan buti na lang talaga nakahabol ako.

"Manong naman eh, nakita niyo ng sasakay ako. Nagmamadali ba kayo ?? " sabi ko sabay upo.

Hays.

Ang hirap pa namang makasakay ng jeep.

Ayukong malasin ngayon araw. Kailangan kong makahanap na ng trabaho.

Ilang beses na akong nag-apply sa lahat ng pwedeng pasukan na related sa tinapos ko.

Lagi na lang kasi sinasabi sa akin ng mga employer na naaplyan ko.

"Tatawagan na lang kita. "

Juice colored! Pang-ilang beses ko ng narinig ang lines na yan at hanggang ngayon wala pang tumatawag sa akin kahit isa sa sampung inaplyan ko.

Paasa eh. Paasa talaga!

Pwede naman kasing sabihin na lang na hindi ako qualified para madali hindi yung papaasahin pa ako sa wala. TSS.

Ang hirap kaya maghanap ng work dito sa Pilipinas.

Para sa ekonomiya kailangan ko ng makahanap ng work.

Kasalukuyan akong iniinterview ng isang manager para sa position na Secretary.

"Ano po ba Ma'am qualified po ba ako ?? " I said. Ako na talaga ang nagtanong dahil baka paasahin na naman ako nito eh.

"I'm sorry Miss Castro, but you are not qualified for that position. Thank you. "

"Ma'am baka naman pwede. I have no choice na eh, pang-ilang beses ko na 'to at hanggang ngayon wala pa akong trabaho. Please Ma'am i-hired niyo na ako. " pagmamakaawa ko. Desperada na talaga ako.

"I'm sorry. Gustuhin ko man pero hindi talaga eh. "

Kumunot na lang ang mukha ko. I'm so disappointed sa sarili ko. Ginawa ko naman lahat ng makakaya ko pero bakit ganon hindi pa rin talaga.

Akmang tatayo na siya kaya naman agad akong lumapit sa kanya at lumuhod sa harapan niya habang nakahawak sa mga kamay niya na parang tanga ako sa ginagawa ko.

"Please Ma'am kahit anong posisyon. Kailangan ko talaga magkaroon ng trabaho. Please ?? Kahit taga timpla niyo lang ng kape o taga linis ng table niyo. Please ?? " pagmamakaawa ko.

Inalalayan niya akong makatayo habang nanatili akong nakatingin sa kanya.

"Miss Castro, gustuhin ko man pero wala akong maibibigay sayo. " napabitaw na lang ako saka malungkot na tumango.

Malas!

Malas talaga!

"Wag kang mawalan ng pag-asa. Ganyan talaga mahirap maghanap ng trabaho dito sa atin. Ganito na lang, meron akong alam kong saan ka pwedeng mag-apply. "

"Saan ho?? " nabuhayan ako ng pag-asa.

"Sa BC Enterprises " may kinuha siya sa bag niya at inabot sa akin. "Yan ang address ng BC. Good luck Iha. "

"Thank you Ma'am. " sabi ko na lang saka ibinalik ang tingin sa hawak kong papel.

Nginitian niya lang ako saka tuluyan na siyang naglakad palabas ng office.

Nakatingin lang ako sa hawak kong papel na may nakasulat na address ng isang kilalang kumpanya.

Para nga akong naglalakad sa kawalan habang nakatingin sa papel.

Juice colored.

Wala na akong choice. Ibibigay ko na ang lahat ng best ko.

Last na talaga 'to! Pag hindi pa ako natanggap. Magtitinda na lang ako sa palengke.

Peeep!!! Peeep!!!

"Ay kabayoo!!! " tili ko ng businahan ako ng isang driver.

"Ano ba magpapakamatay ka ba !? " sabi nung driver.

Natahimik na lang ako.

Leeche!! Ang malas ko ngayon.

Malas!!

"Idadamay mo pa ako! " inis na sabi nung driver.

Kainis. Makareak wagas!

Gusto ko sanang sagutin si Manong pero mas minabuti ko na lang ang manahimik.

Ano bang kamalasan ang meron ako ??

Una, ang hirap hirap makahanap ng trabaho dito sa Pilipinas.

Pangalawa, muntik na akong maiwan ng jeep kanina.

At huli, muntik lang naman akong masagasaan ng jeep dahil sa kapirasong papel na hawak ko.

Malas!

Hays.

San kaya ako dadalhin ng mga paa ko ??

Malasin pa kaya ako ??

O talagang Malas ako ??

Tengeneng buhay na yan.




My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon