Chapter 7 : Dinner with his Mom

20K 324 6
                                    

Alam niyo yung feeling na parang nasa isang soap opera ako dahil kailangan kung galingan ang pag-arte. Yung tipong siya na nga yung direktor, siya pa yung actor sa kwento. Unbelievable.

Napailing na lang ako sa aking isipan. I can't imagine na ang isang kagaya niya ay naghahangad ng yaman na meron sila. Hindi pa ba siya contented sa buhay niya?? Maswerte nga siya dahil lahat ng luho niya ay nakukuha niya samantalang yung iba diyan hindi nga makakain ng tatlong beses sa isang araw tapos siya! Siya na may pera hindi pa rin kuntento.

Hays.

Kasabay ng pagbaba ko sa sasakyan ay ang paglakas ng kabog sa aking dibdib. Idagdag pa ang nangangatog kong tuhod. Gusto kong umatras pero nandito na ako. Kailangan ko na lang siguro galingan sa pag-arte. Sanay naman ako umarte dahil nung nag-aaral pa ako ay sumali ako sa theatre gruop ng school.

Hays.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako tumingin sa kanya.

"Are you ready?? " tanong niya sa akin.

Tumango ako bilang tugon. Hindi ko man lang mabanaag sa kanyang mukha ang kaba at takot gaya ng nararamdaman ko. Iba talaga siya. Talagang planado.

"I know what you feel. Alam ko sa mga sandaling 'to ay kinakabahan ka. Isipin mo na lang yung perang kikitain mo sa gagawin mo. For sure matutulungan mo ang magulang mo. Tiwala lang Grace. Tiwala lang. " seryusong sabi niya.

Ang kapal ng mukha! Kailangan ba talaga niyang ipamukha sa akin na mukha akong pera!

Tumango na lang ako bilang sagot dahil baka kung ano pa ang magawa ko at makain ko siya ng buhay.

"So let's go. Ayaw ni Mommy ba pinaghihintay ko siya. "

"You mean-----Andito na siya?? " tanong ko.

"Exactly. " sagot niya saka gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.

Napairap naman ako sa hangin. Tss! Wag mo kung daanin sa pangiti-ngiti mo.

Sa bawat hakbang ko papasok sa loob ng resto ay ang siya pa lalong pagbilis ng tibok ng aking puso. Kinakabahan ako. Sobra.

"Bakit?? " sabi ko ng tumigil siya sa paghakbang.

Tumingin siya sa balikat niya kaya naintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Umangkla ako sa balikat niya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Kailangan ba talaga ganito tayo?? " sabi ko.

"Wag ka ng maarte. Akala mo ba gusto ko din 'to! Tss! "

Napatitig na lang ako sa mukha niyang nakakaasar sa paningin ko. Admit it! Gwapo siya pero nakakainis!

Bumungad sa akin paningin ang ibat-ibang klase ng desinyo. Sobrang napakaganda. Sa bawat nilalakaran ko ay ang daming chandelier na makikita. Base sa research ko, isa ito sa mga expensive hotel dito sa Pilipinas. Never in my entire life na makakapasok ako sa ganitong lugar.

"Kinakabahan ka pa rin ba?? " tanong niya sa akin ng nasa loob na kami. Napatingin pa ako sa kanya dahil ang bait bait ng boses niya. Parang walang sungay na tinatago.

"Konti lang. " tugon ko.

Kailangan niya pa bang itanong sa akin kung okay ako?? Its obvious naman diba??

"Just calm. My Mom is not a monster. Hindi ka naman niya kakainin. Always remember, yung mga tinuro ko sayo. Okay?? "

"Oo alam ko na yun. " sabi ko saka iniwas ang tingin ko sa kanya.

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon