Chapter 40 : The Other Side

6.6K 101 3
                                    


•••• Tricia's POV ••••

Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayare. Hindi pa rin kasi mag sink-in sa utak ko yong mga narinig at nalaman ko.

Madami akong nalaman at natatakot ako sa posibleng mangyare sa akin.

Nakatingin ako sa laptop at patuloy pa rin sa pag-eencode ng mga files na kakailanganin sa reporting for auditing. Kailangan ko na din kasing matapos ang mga 'to.

Bumuntong-hininga ako at ewan ko ba kung bakit may kusa yung mga kamay ko na magtype tungkol sa mga Calvien.

Ganito na ako kainteresado sa kanila.

Nakatingin ako sa page ng mga Calvien na kung saan makikita at mababasa ang mga information tungkol sa family ng mga Calvien.

Tunay nga na maimpluwensya ang mga Calvien dahil sa mga business nila.

Habang abala ako sa pagtingin at pagbabasa ng information sa kanila, bigla ko na namang naalala at pumasok sa isip ko yung mga narinig ko mula kay Mam Brenda. Si Mam Brenda yung Mom ni Sir Bryle.

FLASHBACK :

Naglalakad ako nun papunta sa office ni Mam Brenda, ihahatid ko kasi yung mga documents na hinihingi niya sa akin saka yung pinaasikaso niya na report para sa buong buwan lalong-lalo na yung sales report.

Huminto ako sa tapat ng pinto ng office ni Mam Brenda. Kumuha muna ako ng lakas ng loob bago ko binuksan ang pinto. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at naglakad ng marahan. Mag sasalita sana ako ng bigla siyang nagsalita.

"Yes Honey, don't worry everything is okay. Everything is under my control.... basta gawin mo lang yung pinapagawa ko sayo. Makukuha din natin yung dapat ay sa atin. " sabi ni Mam Brenda sa kabilang linya.

Bigla na naman akong kinabahan kahit hindi ko lubos na maintindihan kung anong tinutukoy niya.

'Makukuha ?? ' A-anong ibig sabihin ni Mam Brenda ??

Hindi ko alam kong sino ang kausap niya sa telepono pero ang labis na gumugulo sa akin ay kung anong ibig sabihin ng mga sinasabi niya.

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon