Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang story ko.Well mag papakilala na lang ako.
I'm Grace Castro, fresh graduate ako sa kursong Computer Secretarial. Kakagraduate ko lang talaga. Sa awa ng diyos tapos na din ang paghihirap ko at paghihirap ni Mama para lang makagraduate ako.
At ngayon isa na lang ang pinuproblema ko at yun ang makahanap ng work.
Kung bakit ba naman kasi ang hirap makahanap ng work dito sa Pilipinas.
Alam naman natin na kapag fresh graduate ka mahirap talagang makahanap at makapasok ngtrabaho.
Nariyan yung sasabihan ka ng tatawagan na lang kita pero ang totoo, paasa lang talaga sila.
Asar diba??
Ayaw na lang nilang sabihin na hindi nakapasa at papaasahin pa nila talaga.
Hindi ba nila alam na may umaasa na sana tawagan nila. Ang sakit kaya sa heart kapag alam mong nag aantay ka sa wala.
Lalo na ngayun kailangan ko ng magkaroon ng work dahil lumalaki na ang utang namin dahil sa lintik na pag-aaply na yan.
Pinanghihinaan na din ako ng loob minsan.
Hindi naman ako mayaman para makapagtrabaho sa mga kilalang company lalong lalo na ang BC.
Alam ko sa standard pa lang bagsak na ko lalo na pag tinitingnan kung saang school ako galing. Hindi naman kasi namin afford na pag-aralin ako sa mga kilalang eskwelahan.
Kung bakit ba naman kasi. Isa sa mga tinitingnan kapag naghahanap ng work ay kung saang eskwelahan ka galing.
Ang unfair diba ?? Paano naman ako, tayo na hindi afford mag-aral sa mamahaling eskwelahan ?? Patuloy pa rin nila tayong nilulubog sa putik.
Akala ko ba Democratic country tayo pero bakit ang daming maaarteng kumpanya.
Minsan iniisip ko na lang na sumuko na lang kasi naaawa na ko sa sarili ko. Alam ko naman kasi na wala pang tatanggap sa akin dahil wala pa kong working experience ang daya diba??
Nahihiya na ko kay Mama kasi lumalaki na yung utang namin.
Pag naiisip ko yun hindi ko mapigilang malungkot kasi naman kung kailan gustong gusto ko yung work pero sila yung ayaw sa akin.
Ang unfair diba?? Ni hindi man lang ako mabigyan ng chance na mag work dahil daw fresh graduate ako. Paano naman ako magkakaroon ng experience kung hindi nila ako ihahired diba ??
Masyado naman atang mataas ang standard nila. Nakakatampo lang.
Hindi ba nila alam na lalong dumadami ang bilang ng mga unemployment dito sa atin dahil sa mga choosing company na yan.
Teka lang bakit ko ba 'to sinasabi ?? Wala lang, di lang kasi ako makapagpigil sa mga choosing employer na yan.
Back to reality.
Hawak hawak ko pa rin ang kapirasong papel na binigay sa akin nung manager na nag-interview sa akin kanina habang papunta ako ngayun sa BC Enterprises.
As usual mag-aapply na naman ako. Sana lang talaga palarin na ko sa pagkakataon na to dahil nahihirapan nadin ako. Hello ang hirap hirap kayang mag apply kung alam niyo lang.
Wag niyo ng itanong baka kung ano pa ang magawa ko.
Habang nag lalakad ako papunta sa building ng BC hindi ko mapigilang kabahan para akong tanga na kinakausap ko yung sarili ko.
Inhale ...
Exhale ..
Binilasan ko yung paglalakad ko kasi excited akong bumagsak sa interview lagi naman kasi akong bumabagsak sa interview kasi naman kung bat may mga interview interview pang nalalaman.
BINABASA MO ANG
My Boss is a Millionaire (Completed) Under Editing
RomantizmHindi ko naman pinangarap na mahulog sa kanya , hindi ko pinangarap na maging bahagi ng buhay nya at hindi ko rin pinangarap na maging future wife ng isang Millionaire ..