Wala na kong magagawa dahil nangyare na ang dapat mangyare. Hindi na ko pwedeng umatras sa napagkasunduan namin. Dinadasal ko na lang, na sana maging madali ang lahat. Maging madali ang pagpapanggap ko.
Dati, ganitong-ganito ang napapanuod ko sa mga teleserye. Yung tipong babayaran yung babae para magpanggap na asawa o di kaya girlfriend para matupad lang yung plano nung bida. Napakabenta talaga ng ganitong scenario. Akalain mo, isa na ako sa mga nabiktima ng character na ganon.
Sa 75 thousand na inutang ko kay Sir Brett ay nasolve lahat ang aming problema. Maraming tanong ang narinig ko mula kay Mama. Gusto ko mang sabihin ang totoo kaya lang natatakot ako. Natatakot na baka pigilan niya ako sa aking pinasok. Sinabi ko na lang na sa kanila na humiram ako sa mga classmate ko para may maibayad lang sa mga utang namin. Buti nga hindi na nangulit pa si Mama. At first. naguilt ako dahil nagawa kong mag sinungaling kay Mama. Alam ko, na kapag dumating ang araw na malaman niya ang totoo. Maiintindihan niya ako kung bakit ko ito nagawa. Sana lang.
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ng kumatok si Mila sa kwarto ko. Iniisturbo pa ang tulog ko.
"Bukas yan! " sabi ko habang nakayakap sa unan. Muli kong ipinikit ang mga mata ko at hindi na inintay pa ang pagpasok ni Mila sa loob. For sure, magpapatulong na naman 'to sa school project niya.
"Sisteret, may bisita ka sa labas. " sabi niya sa akin dahilan para idilat ang ko ang aking mga mata.
"Bisita ?? " puno ng pagtatakang tanong ko. Ngumiti naman siya ng malapad. Aysows! Wala naman akong natatandaang may bisita ako. Kinakabahan tuloy ako sa mga ngiti ni Mila.
"Sisteret, magtapat ka nga sa akin?! " Mas lalo pang kumunot ang aking noo.
"Huh ?? Ano naman ang ipagtatapat ko sayo!? Hoy Mila umayos ka nga. Nakasinghot ka na naman ng katol at kung ano-ano na naman ang pumapasok diyan sa kukute mo. "
Ano bang pinagsasabi ng kapatid ko. Hays.
Naglakad si Mila palapit sa akin saka naupo sa higaan ko.
"Sige magdeny ka pa. Wala ka talagang alam kung sino ang nandiyan sa labas ngayon?? "
"Wala nga ang kulit! " naiinis ko pang sabi.
"Talaga lang ha?? Eh sino si...... Brett Calvien ?? "
Brett Calvien ???
Para naman akong robot na automatic na napabangon ng marinig ko ang pangalan ng kupal na yun!
Napasapo pa ako sa aking noo ng maalala ko na ngayon nga pala ang first day ko.
"Bakit Sisteret?? "
"Paano mo nalaman?? " tanong ko habang nakatingin sa kanya.
"Asows?! Deny pa eh. Congrats Sisteret! Hindi mo man lang sinabi sa akin na may work ka na pala. "
BINABASA MO ANG
My Boss is a Millionaire (Completed) Under Editing
RomanceHindi ko naman pinangarap na mahulog sa kanya , hindi ko pinangarap na maging bahagi ng buhay nya at hindi ko rin pinangarap na maging future wife ng isang Millionaire ..