Sa buhay hindi talaga nawawala yong mga plano natin lalo na kapag dumating na yong sitwasyon na gusto mo ng makasama siya habang buhay.
Ang pag paplano kasi isa yan sa mga importante para alam natin kong ano ba yong gusto natin mangyare kong baga navivisualize mo yong mga posible mong gawin.
Sa pag paplano din marami tayong natutunan, mga desisyon na hindi basta basta.
Ako simple lang naman ang gusto ko eh ang makasama yong taong mahahalin ako ng totoo at walang kapantay at yon ay walang iba kong hindi si Brett.
Siguro sapat naman ng dahilan yung mga ginagawa niya sa akin. Kung ako ang tatanungin ayuko ng mawala siya sa akin. Gusto kong may mapuntahan lahat ng pinaghirapan niya sa akin.
After nong nakakalukang nangyare sa min. Akala ko nga hindi na matatapos eh pero sabi nga ipagpatuloy lang ang buhay.
Nag palit na ko ng damit, nakauwi na kasi kami sa bahay. Inayos ko muna yong sarili ko baka isipin ni Brett na nag papabaya ako sa sarili ko, baka isipin non hindi ako nag papaganda, mahirap na baka mapalitan niya ko, kong mag papabaya ako.
Nag umpisa na kong mag retouch, nakatingin ako sa salamin at nag patuloy sa ginagawa ko hanggang sa makita ko ang isang nakakaasar na mukha sa may salamin.
TSS problema niya.
"Makatingin ka naman para mo naman akong kakainin ng buhay " sabi ko ng walang gana. Kainis kasi kong makatingin.
Mas lalo niya pa akong tiningnan ng masama, TSS kaasar ha di ako makapag concentrate sa pag aayos.
"San ka pupunta ?? " tanong niya.
Tinigil ko yung ginagawa ko saka tiningnan siya ng nakakainis sa salamin.
"Hoy na-i-alien ka na naman " tumingin ako sa kanya "hindi porket nag aayos ako may pupuntahan agad ?? Diba pwedeng trip ko lang mag paganda ?? " sabi ko tapos yung reaksyon niya mas lalo akong naasar.
Binalik ko na lang yong tingin sa salamin habang inaantay ko kong ano ang sasabihin niya.
"So para san at nag papaganda ka ?? " usisa niya.
Tinigil ko ulit yong ginagawa ko saka muling tumingin sa kanya. Panira talaga ang isang 'to.
"Hoy alien, nang aasar ka ba ?? Gusto mo bang malosyang ako ?? And beside kaw tong nagsabi sa kin na kailangan kong maging professional sa lahat ng bagay in other words kailangan kong mag mukhang maganda sa paningin mo. Gets ??" sabi ko with hand gesture pa yun tapos irap ng mata.
Asar talaga tong alien na to. Inaatake na naman. Ayaw na lang akong tigilan at ng matapos na ako sa ginagawa ko.
"You know what you are so weird. " sabay cross arms niya tapos nakakaasar pa dahil sumandal pa talaga siya sa may pinto at mas lalo niya akong tiningnan ng nakakaasar.
Problema ng isang 'to ?? Porket nagpapaganda lang eh.
Napansin ko na lang na bumuntong hininga siya, kaasar talaga tong alien na to, siya pa rin talaga yong lalaking nakilala ko na hindi ko maintindihan TSS
Naalala ko pa dati yong para kaming mga asot pusa na hindi mag kaintindihan, buti nga ngayon kahit paano hindi na siya sinusumpong ng sakit nyang parang alien.
Hindi ko napansin na bumukas yong pinto sa kwarto namin. Halos sabay kaming napatingin kong sino ang nasa may pinto.
"Ate Grace, Kuya Brett kakain na daw po " sabi ni Ed
"Sige Ed susunod na lang kami " sabi ko.
Sinara ni Ed yong pinto habang si Brett kanina pa nakatayo na hindi ko alam kong pinag mamasdan ba ako o hindi tsss
BINABASA MO ANG
My Boss is a Millionaire (Completed) Under Editing
RomanceHindi ko naman pinangarap na mahulog sa kanya , hindi ko pinangarap na maging bahagi ng buhay nya at hindi ko rin pinangarap na maging future wife ng isang Millionaire ..