Ilang araw na lang at ikakasal na ako. Ikakasal na ako sa taong mahal na mahal ko. Sa taong nagbigay kulay ng aking buhay. Siya ang buhay ko.
Si Brett.
Ganito nga siguro ang pakiramdam pag malapit ng ikasal. Hindi ako makatulog ng maayos at oras-oras kong tumingin sa orasan. Nakakabaliw!
Hays. Sino ba naman ang hindi magiging excited na ikasal diba ?? Ito na yung pinakahihintay ko.
Malapit na kaming mag-isang dibdib ni Brett.
Napatigil ako sa ginagawa kong pagtingin sa photo album na hawak ko ng biglang tumunog ang phone ko.
Si Brett.
"Anong ginagawa mo ?? " tanong niya sa akin.
"Wala naman. Nagpapalipas lang ng oras. Ikaw ba ?? " tanong ko saka ako tumayo at naglakad palabas ng kwarto.
Dalawang araw na kasi kaming hindi nagkikita ni Brett dahil kailangan daw naming sumunod sa tradisyon ng mga Calvien. Kapag daw ikakasal nililimitahan nila ang magkasintahan na magkita at magkasama.
Napatawa nga ako nun ng malakas dahil sa reaksyon ni Brett. Kaya ayon ang loko sinunod naman ang tradisyon.
"Ito miss na kita. " malungkot niyang sabi and out of nowhere napangiti na lang ako na parang ewan.
Tama nga siguro ang kasabihang : Marinig ko lang ang boses niya napapangiti na lang ako dahil sa kilig.
"Ang sabi ko miss na kita. " pag-uulit niya pa.
Eh ?? A-anong sasabihin ko ??
"Oo narinig ko. "
"Diba pwedeng puntahan kita ngayon ?? Gusto na talaga kitang makita eh. " parang bata niyang sabi.
"Bawal Brett. Kailangan masunod ang tradisyon. At isa pa dalawang araw na lang naman magkikita na din tayo. " pagpapaliwanag ko.
Kung ako kasi ang tatanungin, gusto ko na talaga siyang makita dahil sobra ko na siyang namimiss. Hays.
"Okay. " pagsuko niya.
"Good. "
"A-ayaw mo talaga ?? " pangungulit pa niya.
"Isusumbong kita kay Mama. " banta ko at para naman siyang bata na biglang sumunod sa akin.
Kung nakikita ko lang siguro si Brett ngayon panigurado tatawanan ko yun ng tatawanan.
Hays.
"Sige, ibababa ko na 'to. Marami pa akong gagawin. " pagtatapos ko ng usapan.
"I love you weird. "
"Sige na. "
BINABASA MO ANG
My Boss is a Millionaire (Completed) Under Editing
RomanceHindi ko naman pinangarap na mahulog sa kanya , hindi ko pinangarap na maging bahagi ng buhay nya at hindi ko rin pinangarap na maging future wife ng isang Millionaire ..