Hindi pa rin mag sink-in sa utak ko yong mga bagay na nangyare this past few days lalo na yong time na malaman ni Tita Fiona ang totoo. Hindi ko alam pero nagiguilt ako sa nangyare, minsan nga naisip ko na sana hindi ko na lang yon ginawa, na sana hindi na lang ako pumayag sa gusto ni Brett na maging Fake Wife niya pero wala na kong magawa dahil nangyare na.
Ganon nga siguro, siguro tama sila na hindi nagtatagumpay ang mga may maitim na plano pero diba isa din naman akong biktima dito dahil unang una hindi ko naman ginusto na mangyare yong ganon eh.
Minsan naiisip ko na layuan na lang si Brett para hindi na lumala pa ang gulo dahil pakiramdam ko na sa tuwing kasama ko si Brett kasabay non ang malaking gulo. Hays, ano ba tong pinag iisip ko.
"Ahhhh !!! "
Halos habol ko ang hininga ko. Sobrang natatakot ako. Akala ko totoo yun.
Panaginip lang pala.
'Hindi pwede. Ayukong mawala siya sa akin. '
Agad naman akong napalingon ng bumukas ang pinto at nakita ko si Brett na sobrang nag-aalala sa akin.
"Bakit ??? Bakit ka sumisigaw ?? " puno ng pag-aalalang sabi niya.
"Brett !? " sabi ko at dali dali akong naglakad palapit sa kanya sabay yakap at kasunod nun ang panginginig ng buong katawan ko.
"Bakit ?? "
"Brett, wag mo kong iwan. Wag mo kung iwan. " nanginginig kong sabi.
Alam ko hindi niya naiintindihan kong anong sinasabi ko at kung bakit ako ganito katakot ngayon.
Masamang panaginip.
"Grace " hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at iniharap sa kanya.
I know, nagbabadya na naman ang mga luha ko na bumagsak.
"Ano bang nangyare ?? Okay ka lang ba ?? Bakit takot na takot ka ?? " sunod sunod niyang tanong.
Naramdaman ko na lang na bumagsak na pala ang mga luha ko at kasunod nun ang paglakas ng kaba ko.
"Brett, nanaginip ako. H-hindi daw tayo magtatagal... Iiwan mo rin ako sa huli. Brett natatakot ako. Natatakot ako. " puno naman ng pagtataka ang mukha niya na para bang hindi makapaniwala kung bakit ko 'to sinasabi sa kanya ngayon.
"Diba mahal mo ko ?? Diba hindi mo ko iiwan ?? Diba ako lang ?? Ako lang diba ?? " nanginginig na ang buong katawan ko.
At bigla na lang niya akong niyakap. Natatakot ako na para bang ayuko ng harapin ang mga bukas na darating pa sa amin.
"Grace, panaginip lang yun. Hindi yun totoo. " pagpapakalma niya sa akin.
"B-brett paano kung t-totoo ?? Iiwan mo ba ako ?? " sabi ko habang umiiyak.
Sa panaginip ko na nakita ko si Brett na iniwan ako at hindi niya talaga ako mahal, na hindi kami para sa isat-isa. Takot na takot ako nung iniwan niya ako, na para bang pasan ko na ang bigat sa dibdib ko.
Inilayo niya ako mula sa pagyakap. Nakatingin ako sa kanya habang hinahayaang dumaloy ang mga luha sa mata ko.
"Listen to me. Panaginip lang yun. Lahat gagawin ko wag lang mangyare ang nasa panaginip mo. Kaya wag kang matakot...... " seryusong sabi niya.
"Brett kasi ------- "
"Sshhh " he said.
Hindi na ako nakasagot kaya naman sumandal na lang ako sa balikat niya.
Sobrang OA ko siguro dahil sa panaginip na yun. Masyado akong nadala dahil dun.
Sinamahan niya ako hanggang sa maging okay ako.
BINABASA MO ANG
My Boss is a Millionaire (Completed) Under Editing
RomanceHindi ko naman pinangarap na mahulog sa kanya , hindi ko pinangarap na maging bahagi ng buhay nya at hindi ko rin pinangarap na maging future wife ng isang Millionaire ..