Chapter 43 : The Condition

6.9K 108 2
                                    


••• Bryle's POV •••

Hindi pa rin ako maka getover sa reaksyon ni Tita Fiona.

Nakakatuwa siyang tingnan mas lalo pa siyang magugulat sa gagawin ko mamaya.

'Tingnan lang natin kong may mukha pa siyang maihaharap sa buong board.'

Kinuha ko yung attached case sa tabi ng table ko saka nag-umpisa na kong maglakad papunta sa conference room.

Nagpatawag kasi ako ng meeting ngayon. Meeting kung saan makikita ng lahat ang information na hawak ko. Ay Mali. Information na ginawa ko na tungkol kay Brett.

This is the big day.

Nakangiti lang ako habang naglalakad. Malapit ng bumagsak ang BC.

Hindi na ako makapag-antay sa mga mangyayare.

Iniisip ko pa lang parang nanalo na ako. Nanalo sa lahat ng plano namin.

Pumasok ako sa loob ng conference room at binati nila ako ng sunod sunod.

Mga tangang boards maliban kay Mama. Napatingin ako kay Tita Fiona na malalim ang tingin sa akin habang sa likod niya nandun yung Assistant secretary niya na hindi maganda ang pagkakatingin sa akin.

TSS wala akong pake!

Nilapag ko yung case na dala ko habang yung dalawang staff inaayos na yung projector na gagamitin ko.

"Thank you for coming." bungad ko sa mga boards habang si Mama malapit lang ang upuan sa upuan ko at kitang kita ko sa mga mata niya yung excitement.

"Para san ba 'tong meeting na 'to !?" inis na sabi ni Tita na hindi ko alam kong bakit.

Nginitian ko lang siya saka tumingin sa kanila.

"Well, I must say na ito ang pinakainteresanteng meeting na matutunghayan ninyong lahat. " nakangiti kong sabi habang nanatili akong nakatingin kay Tita Fiona.

"Nagpapatawa ka talaga Bryle. Nabihisan ka lang ng damit ng CEO akala mo kung sino ka na. Nakalimutan mo na ba na kahit anong gawin mo mananatili ka pa ring nasa baba. " pagpapahiya sa akin ni Tita Fiona.

"Fiona, ano na naman ba 'to!? " sagot ni Mama.

Nanatili lang akong nakangiti na para bang hindi apektado sa ginawa ni Tita Fiona.

Hanggang ngayon wala pa ring lugar ang isang gaya ko.

"Siguro nga mababa ang tingin mo sa akin. Pero I'll make sure na kaya kong pumantay sa level ninyo. Hindi ko man kayo maabot sisiguraduhin ko na kaya kong higitan ang kakayahan niyo. " saka ako ngumiti ng nakakaluko.

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon