Chapter 45 : Operations

6.4K 104 9
                                    

••• Grace POV •••

Tunay nga na walang hinahangad ang diyos kong hindi ang mapabuti tayo sa lahat ng bagay. Mga bagay na maaaring naging malaking tanikala para sa atin.

Wag na wag tayong bibitaw sa laban ng buhay dahil lahat ng bagay kaya nating malampasan.

Kahit na alam mong nasa point ka na ng pagsuko kahit na wala ng dahilan para lumaban. Gawin mo parin ang lahat ng iyong makakaya.

Dahil sabi nga nila : Ang umaayaw ay hindi nagwawagi at ang nagwawagi ay hindi umaayaw.

Harapin mo ng buong puso at walang takot ang mga pagsubok na dumarating sa buhay natin.

Ganon nga siguro ang buhay ng isang tao.

Napakadaling sabihin pero ang hirap intindihin.

Hays.

Kung ano-ano na naman ang naiisip ko. Naiisip ko lang kasi si Mama, ayukong mawala siya.

Natakot talaga ako ng sobra nung dinala siya sa ER akala ko katapusan na ng lahat. Akala ko kukunin na siya.

Hindi ko alam kong saan ako kukuha ng lakas ng mga oras na yun. Sobra akong nanghihina at walang tigil ang paglakas ng kaba ko na para bang may mangyayareng masama kay Mama.

Kinausap kami ng doctor na malala na ang colon ni Mama at kailangan na talagang maoperahan si Mama.

Hindi ko na alam kong anong gagawin ko nun kahit si Mila at Brett. Hindi ako makausap nila dahil sobra akong natatakot.

Naisip ko nun paano kung hindi siya maoperahan ?? Paano kong iiwan na kami ni Mama.

Yung mga hindi magandang posibilidad ang mga naiisip ko ng mga oras na yun. Gusto ko ng sumuko pero sila Brett at Mila pinapatatag nila ako na wag akong panghinaan ng loob.

Ayuko pang mawala si Mama.

Parang umiba ang ihip ng hangin ng sabihin ng doctor na isasailalim na sa operasyon si Mama. Kinuntra ko pa nga yung doctor na wala kaming sapat na pera para bayaran ang nasabing operasyon.

Naguguluhan man pero pumayag na rin ako. Bahala na kung saan kami kukuha ng pangbayad ang importante gumaling na si Mama.

Walang tigil ang pagtibok ng puso ko ng mga oras na nasa operation si Mama. Feeling ko ako yung inuoperahan dahil nanginginig ako at pinagpapawisan ng malamig. Si Brett naman tudo alalay sa akin. Panay sabi ng 'magiging okay din ang lahat.'

Sa mga oras na kailangan ko ng masasandalan lagi siyang nasa tabi ko upang pagaanin at palakasin ang loob ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng maoperahan na si Mama. Sabi ng doctor successful naman daw ang operation kaya wag daw kaming mag-alala.

Ang hindi lang malinaw sa akin ay kung sino ang sumagot sa operasyon ni Mama.

Kung bakit wala kaming ginastos sa nasabing operasyon. Ang sabi sa akin noon ng doctor hindi mauoperahan si Mama hanggat wala kaming binibigay na paunang bayad.

Tapos ngayon, hulog ng langit sa amin kung sino man siya.

"Doc, hindi po namin agad mababayaran ang utang namin sa hospital na 'to pero sisikapin namin na mabayaran ito sa lalong madaling panahon. " sabi ko pa nun sa doctor matapos ang operation ni Mama.

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon