Chapter 16 : Palusot dot Com

11.8K 215 4
                                    

Hindi pa rin ako maka get over sa mga nangyayare , paano ba naman never in my dreams na ganito ang kakalabasan ng lahat ng to.  Imagine ako at si Brett mag sasama sa isang bahay , juice colored , ni minsan hindi ko pinangarap ang bagay na yon at hindi ko rin ugali na tumira sa isang bahay kasama ang kong sinong lalake.

Hays , problema na naman to , hindi ko alam kong anong gagawin kong palusot sa Mama ko , bata pa ako at isa pa hindi ako sanay na hindi sila nakikita , hindi ko pa kaya na maging independent , ang hirap intindihin kong bakit parang pahirap na ng pahirap ang mga nangyayare , tapos next week yong wedding thingy na naman.

Huminga ako ng malalim , habang nasa hapagkainan kami , kumakain kasi kami ngayon pero ang utak ko hindi ko alam kong nasan, hindi ako makapag concentrate sa pagkain dahil ang iniisip ko yong bagay kong paano ko sasabihin kay Mama yong palusot ko , ang dami ko ng kasalanan kay Mama dahil akala niya matino ang trabaho ko , hayss

"Grace , okay ka lang ba ?? " nagulat ako ng mag salita si Mama "ang lalim ng iniisip mo , kanina ka pa hindi nag sasalita "Mama

"Oo nga ate , ang weird mo ngayon " Mila

Uminom ako ng water saka nilapag ko yong baso.

"Kasi Ma may sasabihin sana ako sa inyo , wag sana kayong mabibigla " sabi ko

Biglang nilapag ni Mila yong baso at ito ang sumunod na nangyare. 

"Oh my God.  Dont tell me Ate , na ... Na buntis ka ?? " Mila

"Ano buntis ka ?? " Mama

Nagulat ako sa mga sinabi nila kaya naman tiningnan ko sila yong tingin na parang nag tataka.

"Ma ? Buntis agad ?? At isa pa wala naman akong boyfriend, paano mangyayare yon ??kayo talaga masyadong nega " sabi ko

" eh ano bang sasabihin mo Ate? "Mila

Huminga ako ng malalim saka tumingin ako sa malayo.

"Kasi Ma , si Sir Brett -------- " pinutol ni Mama ang sasabihin ko

"Bakit inano ka ng Sir ?? Sabihin mo sa kin ?? Uupakan ko yon " Mama

Napakamot na lang ako , masyado naman sila kong makapag isip ng kong ano ano.

"Ma , patapusin mo muna ako "tumahimik na sila habang ako kinakalma ko ang sarili ko dahil for sure hindi ko alam kong ano ang magiging reaksyon nila "Ma , kasi " huminga ako ng malalim "alam niyo naman diba kong ano ang trabaho ko , bilang Secretary ng Boss ko , kong nasan siya dapat nandon ako " sabi ko

"Huh ?? Hindi kita ma gets Ate " Mila

"Deretsuhin mo na kami Grace , hindi kami manghuhula " Mama

Iniwas ko yong tingin sa kanila.

"Kasi Ma , meron kasing business visit si Sir Brett , and tinatanong niya ko kong okay lang na samahan ko siya bilang secretary niya , kaya nga po nag papaalam ako sa inyo " sabi ko

Hindi ko magawang tumingin sa kanila, hindi ko alam kong anong isasagot ni Mama sa kin lalo pa kong kinabahan dahil sabi sa kin ni Brett gawin ko daw ang lahat para lang pumayag si Mama , juice colored naman.

Tumingin ako sa kanila.

"Akala ko pa naman kong ano na " Mama

Nagulat ako sa sagot ni Mama

"Hindi po kayo tututol ?? Hindi niyo ko pipigilan ?? " sabi ko

"Alam mo Grace , alam naman namin na gusto mo ang trabaho mo at nakikita namin na masaya ka , kaya bat naman kami tututol sa gusto mo , malaki ka na kaya mo ng mag decide sa sarili mo " Mama

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon