Matapos ang mga unos na dumadating sa buhay ng isang tao ay meron pa rin namang liwanag ang nag-aantay sa huli.
Sa kabila ng mga nangyare ay patuloy pa rin kaming lumalaban at kumakapit. At ito na nga kami ngayon, walang pagsidlan ng tuwa ang aming mga puso.
Sabi nga nila ang umaayaw sa umpisa ay hindi nagwawagi at ang mga nagwawagi naman daw sila yung mga taong hindi marunong sumuko.
Lubos din akong nagpapasalamat kay God sa paggabay niya sa amin ni Brett upang wag sumuko sa mga pagsubok na binigay niya sa amin.
Tunay nga na walang binibigay ang diyos na mga pagsubok na hindi natin kayang lampasan.
Hays.
Napangiti na lang ako dahil sa sayang nadarama ko.
Ilang oras na ang lumipas simula ng mag-dinner kami pero parang hindi pa rin ako makagetover dahil nakaguhit pa rin ang mga ngiti sa aking mga labi. Sobrang saya ko!
After nun, nagpalit muna ako ng damit at ganon din si Brett. Naiwan naman ako sa loob dahil gusto daw niyang puntahan si Mama Fiona. Siguro gusto lang makasama ni Brett ang kanyang ina.
Napahawak naman ako sa aking kamay saka ko pinagmasdan ang singsing na nakasuot sa aking ring finger. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala para kasing nananaginip lang ako.
Kung isa man itong panaginip. Sana hindi na ito matapos.
Lumabas ako ng kwarto dahil gusto kong puntahan sila Mama at Mila. Gusto ko silang kumustahin kong okay lang ba sila.
Alam niyo yung feeling na excited na akong makasal kay Brett. Yung bang hindi ako mapakali ?? Ganon yung nararamdaman ko ngayon. Para ngang ayuko ng matulog at hintayin na lang ang araw na iyon.
Dumeretso ako sa kwarto nila Mama sakto naman at nadatnan ko si Mama na nanunuod ng TV habang kumakain ng mga chips.
"Ma si Mila ?? " tanong ko.
"Ayon sa terrace kausap yung foreigner. "
"Foreigner ?? " takang tanong ko.
Umaariba na naman ang ganda ni Mila.
"Hayaan mo na muna ang kapatid mo. Oh bat hindi ka pa natutulog ?? " tanong sa akin ni Mama saka siya humarap sa akin.
Ilang segundo din naman akong nakipagtitigan sa kanya bago ako humakbang palapit sa kanya saka naupo sa tabi niya.
"Kasi Ma. Hindi ako makatulog eh. " sabay pout ko.
Napangiti naman si Mama saka niya ako kinabig palapit sa kanya.
"Ganyan na ganyan din ako nung nakilala ko ang Papa mo. " nakangiting sabi ni Mama pero biglang nag-iba ang kanyang expression into a serious aura.
BINABASA MO ANG
My Boss is a Millionaire (Completed) Under Editing
RomanceHindi ko naman pinangarap na mahulog sa kanya , hindi ko pinangarap na maging bahagi ng buhay nya at hindi ko rin pinangarap na maging future wife ng isang Millionaire ..