Mila's POV
Wow! Perstaym idol. Nabigyan mo din ako ng moment na magkwento. Hehe.
Anyway kilala niyo naman siguro ako diba ?? The one and only Mila Castro.
Hays.
Finally, kinasal na din ang sisteret ko. I'm so happy talaga para sa kanya. I can't imagine na magiging ganoon kakulay ang buhay pag-ibig ng sisteret ko.
Hays.
Namimiss ko na tuloy siya.
After nung wedding nila ni Kuya Brett ay back to normal na ulit ang buhay ko. Papasok sa work at gagawa ng mga paper works.
Kasalukuyan namang nasa Cebu ang newly wed para sa kanilang honeymoon. Excited na nga akong makibalita sa sisteret ko, kung naisuko na ba niya ang Bataan. Hehe.
Pagbalik na lang niya saka ko siya kukulitin. Excited tuloy ako.
Hays.
Para na akong sira dito na nakatingin sa monitor ng laptop. Ang dami kasing paper works na kailangan kong ayusin.
Napatigil naman ako sa pagtatype ng biglang tumunog ang phone ko.
"Sino naman kaya 'to ?? " tanong ng utak ko saka ko tiningnan kung sino ang tumatawag.
Si Ate Grace.
"Oh sisteret !? Napatawag ka ?? Kumusta ang honeymoon niyo ?? Naisuko mo na ba ang Bataan ?? " sunod sunod kong tanong.
"Mila !? " kuntra niya.
"Oh bakit ?? " tanong ko tapos natahimik naman siya sa kabilang linya. "Yung totoo ?? Magsasalita ka o magsasalita ?? "
Paano ba naman ilang segundo na ang lumipas at hindi pa nagagawang magsalita. Hindi naman ako manghuhula para hulaan kung ano ang pakay niya.
"Kasi Mila. Ahm ----- paano ko ba sasabihin ?! " medyo naiilang niyang sabi.
"Sisteret, wag ka ng mahiya alam naman namin na naisuko mo na ang Bataan. Ano ka ba !? " nagboses bading pa ako.
Ito kasing kapatid ko ayaw pang sabihin.
Kumuha na lang ako ng chips habang hinihintay ang sasabihin niya.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya sa kabilang linya.
"Yun na nga eh. Hindi ko pa ----- Hindi ko pa naisusuko ang Bataan. "
"What !?? " halos mahulog ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya. "Jusmiyo! Wag ako sisteret iba na lang. "
"Seryuso nga ako. Eh---- Hindi ko kasi alam kong paano ginagawa yun. "
BINABASA MO ANG
My Boss is a Millionaire (Completed) Under Editing
RomanceHindi ko naman pinangarap na mahulog sa kanya , hindi ko pinangarap na maging bahagi ng buhay nya at hindi ko rin pinangarap na maging future wife ng isang Millionaire ..