Chapter 23 : A Month Later

11K 197 3
                                    

Ang bilis ng mga araw, hindi ko na nga napansin na isang buwan na pala akong nag papanggap na asawa niya. Marami ng nangyare para ngang kilala na namin ang isat isa lalo na kapag sinusumpong siya ng kasungitan niya. Parang normal na lang ang lahat, hindi na ko nagagalit pero paminsan minsan naiinis ako sa kanya dahil minsan napaka childish nya pa rin talaga at hindi natatapos ang araw namin kapag hindi kami nag babangayan. Medyo okay na ko at sanay na pag kasama siya pero hindi ko pa rin kinakalimutan na bahagi lang to ng contract at after two months matatapos na din ang pag papanggap ko.

Kahit na nga sabihin ko na nag kakagusto na ko sa kanya pero wala akong karapatan na mahulog sa kanya dahil yon ang lagi nyang sinasabi sa kin na wag na wag akong ma fafall sa kanya. Pero okay lang kaya ko pa naman na mag kunwari na wala akong gusto sa kanya kahit ang totoo napapansin niya din yong mga scenario na ginagawa ko at kinikilos ko.

Sa loob ng isang buwan marami ng nangyare. Pero nalulungkot ako na pakunti na lang ng pakunti ang oras na magkakasama kami. Hindi ko alam kong bat ganito ako nag iisip, basta pag naiisip ko yon para kasing hindi ko kaya na mawala sa kanya , masyado na kong sanay sa kanya kong sino at ano siya parang ang hirap naman na after the contract parang mag lalaho na lang lahat ng pinag samahan namin. Hays ano ba tong iniisip ko diba nga ayaw na ayaw ni Brett na mahulog ako sa kanya dahil kahit sa panigip hindi daw mangyayare.

Bat ko ba to naiisip ??

Back to reality...

Nakaupo kami ngayon sa may sofa kasama ko si Brett , since wala naman daw syang lakad ngayon , hindi naman pwede na forever akong mag kulong sa kwarto baka isipin ng alien na to wala akong kasama sa bahay. Kaya no choice ako kong hindi ang manuod kasama siya kanina pa kasi siya nanunuod ng movie kaya sinamahan ko na lang siya.

Paminsan minsan sinusulyapan ko siya yong bang pinakiraramdaman ko yong atmosphere sa loob dahil baka mamaya basal mag tanong sa kanya at maging alien na naman siya sa kin. Di na ko na sanay kaya nga bago ako magsalita nag iisip mo na ako dahil mahirap na baka kainin niya ko ng buhay.

"Wala ka bang pasok ngayon ?? " sabi ko

"Why ?? " Brett

Hindi man lang siya tumingin sa kin. Suplado.

"I'm just asking bawal na bang magtanong ?? " sabi ko

"Well hindi naman, just to clarify hindi ko obligations na sabihin sayo kong ano ang schedule ko " Brett

"Narinig mo ba ang sinabi ko ?? Nagtatanong lang ako , gets ?? " sabi ko

Tumingin siya sa kin gaya ng dati para na naman niya akong kakainin dahil sa tingin niya.

"Just shut up , hindi ko maintindihan ang pinapanuod ko " Brett

Binalik niya yong tingin sa monitor habang ako napangiwi na lang dahil siya na talaga. Nagtatanong lang kong ano ano pa ang sasabihin, yong bang ang ayos ayos ng pagkakatanong ko tapos sasabihin niya ko ng nakaka ewan na sagot. Ang saya diba ??

Nanuod na lang ako sa pinapanuod niya na hindi ko naman talaga maintindihan dahil hindi ako maka relate sa story , masyadong action ewan. Kunwari nanunuod ako pero ang totoo talaga lumilipad ang utak ko. Nag iisip ako ng kong ano ano. Hayss. Nagulat ako ng biglang tumunog ang phone ko. Tumingin ako sa phone ko pero alam ko na sinulyapan niya ko, kong ano ang ginagawa ko. Tiningnan ko kong sino ang tumatawag pero number lang yong nasa screen kaya in-end ko yong call saka bumalik ako sa panunuod pero tumunog ulit ang phone at hindi ko alam kong paano ko sasagutin ang call.

Tiningnan ako ni Brett.

"Ano wala ka bang planong sagutin yan ?? Dahil kong hindi ibabato ko yang phone mo para tumahimik " Brett

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon