Unti unti na kong nasasanay sa kong ano ang pinasok ko. Unti unti kong natutunan yung mga bagay na ni minsan hindi ko kayang gawin. Nanloloko ako ng kapwa at walang kaalam-alam.
Kasalanan niya 'to! Kung hindi ko lang talaga kailangan ng mapagkukunan ay hindi ko tatanggapin ang alok niya. Pinalaki ako ni Mama ng maayos, alam ko hindi niya ako mapapatawad kapag dumating ang araw na malaman niya ang totoo.
Three months lang naman kaming magpapanggap after nun ay gagawin ko ng tama ang lahat. Ang kailangan ko lang gawin ay maging maingat na walang may makaalam ng lahat ng 'to. Panigurado malaking eskandalo ang magaganap kapag nangyare iyon.
Palakas naman ng palakas ang kabog ng dibdib ko habang palapit ng palapit kung saan nakapark ang sasakyan niya. Hindi ko rin maintindihan minsan ang tibok ng puso ko. Laging ganito ang reaksyon nito sa tuwing magkikita kami ng Brett na yun. Wierd! Nakakailang pa siyang tingnan lalo na kapag nagsusungit pakiramdam ko kasi nilalamon niya ko ng buhay.
Hays. Wrong timing pa tumawag kung kailan nageenjoy kami ng kapatid ko saka naman sumali. Panira ng moment. Pwede naman bukas. Sarap niyang tirisin ng pinong pino.
Huminga ako ng malalim at inayos ang aking sarili. Tanaw ko na kasi ang sasakyan niya mula rito. Hindi ko pa man siya nakikita ay naiimagine ko na ang kanyang itsura. Mukha na namang binagsakan ng langit at lupa. Idagdag pa ang nakakairitang sermon niya sa akin. In just a short period of time ay sobra ko na siyang kilala. Kilalang kilala ko ang sungay niya. Napaka perfectionist niyang tao na akala niya namang bagay sa kanya.
Huminga ako ng malalim bago ko buksan ang pinto ng sasakyan. As usual sobrang lakas ng kaba ko. Idagdag pa ang lamig na nagmumula sa aircon ng sasakyan. Pakiramdam ko matutunaw ako.
"Ang tagal mo!" ang iritang daing niya.
"I'm sorry. Traffic lang." sagot ko naman. Naramdaman ko naman ang pagbaling niya ng tingin sa akin pero hindi ko siya tiningnan.
"So ako pa 'tong dapat mag-adjust sayo!?" pagsusungit niya dahilan para mapatingin na nga ako sa kanya. Jusko! Ang haba na naman ng sungay niya.
"Sorry nga diba?!" ang paghingi ko ng paumanhin. Hindi ba siya marunong umintindi?
"Sorry!? Sorry!? Almost one hour na kong nag-aantay dito! Tapos sasabihin mo lang sorry!? What a word! Masyado kang paimportante!"
"Eh hindi ko naman kasalanan kong traffic ngayon at na late ako!" iniwas ko yung tingin sa kanya. "Kung sesermunan mo lang ako its better na bumaba na lang ako." sabay kuha ko ng bag at akmang bubuksan ko ang pinto ng bigla siyang magsalita kaya napatigil ako.
"Sinusubukan mo ba ako!? You know what! Ikaw na nga 'tong late ikaw pa 'tong galit!" reklamo niya pa.
"Ako galit?" sabay turo ko pa sa aking sarili. My goodness! Ako pa talaga ang galit dito, eh samantalang kanina pa siya nagbubunganga! Pasakan ko kaya ng bomba yang bibig niya. Ngumiti ako ng nakakaluka dahilan para mas lalong kumunot ang kanyang noo. "Wow! As in Wow! Eh kong maaga pa lang sinabi mo na! Edi----"
"Just shut up!" inis niyang tugon sabay irap pa niya sa hangin. "I don't need your opinion or any reason! My point is gawin mo ng naaayon sa napagkasunduan ang trabaho mo. Your almost wasting too much time!"
"Okay fine." pagsuko ko. I know him, kahit anong gawin kong paliwanag hindi niya pa rin iyon pakikingan. Ayaw na ayaw niyang natatalo sa debate na ganito. Pambihira! Daig pa ang babaeng may regla.
Isinandal ko na lamang ang aking likod sa upuan at tumahimik na lamang. Ayuko ng magsalita pa. Nanggigigil ako sa kanya!
Tumigil na din siya sa pagsasalita ng mapansin niya sigurong tumahimik na ako. Agad niya namang ininstart ang engine ng sasakyan. Akala ko titigil na siya sa pagsasalita pero hindi pa pala.
BINABASA MO ANG
My Boss is a Millionaire (Completed) Under Editing
RomansaHindi ko naman pinangarap na mahulog sa kanya , hindi ko pinangarap na maging bahagi ng buhay nya at hindi ko rin pinangarap na maging future wife ng isang Millionaire ..