Chapter 32 : Giving up

10.4K 173 8
                                    


Minsan mas gugustuhin na lang natin ang sumuko lalo na kong yon na lang ang nag iisang paraan para maging okay ang lahat, kahit sa kabila ng lahat masasaktan ka ng sobra.

Ang tanong kaya ko ba ?? Kaya ko ba syang isuko ??

Umiiyak ako ng lumabas mula sa loob ng elevator, nag mamadali akong tumakbo palabas ng BC lahat ng madaanan ko nakatingin sa kin pero wala akong magawa kong hindi ang umiyak dahil sa mga nangyare. Hindi ako sanay ng ganito, hindi ako sanay na may nagagalit sa kin.

Kong alam ko lang na ganito ang kalalabasan ng lahat hindi na sana ako pumayag pero wala eh, huli na ang lahat. Huli na.

Dali dali akong lumabas ng BC saka sumakay sa sasakyan. Nagulat si Tricia ng makita ako.

"Bakit Ms. Alexa ?? " alalang sabi ni Tricia

Umiling ako, hindi ko magawang tumingin sa kanya.

"Pwede mo ba ako ihatid ? " sabi ko

"Pero --- " pinutol ko yong sasabihin niya.

"Please?? " malungkot kong sabi

Sa huli pumayag na din siya. Agad na nag start ang sasakyan at nakita ko si Brett na palabas ng BC pero nakaalis na kami.

Nag iisip ako pero umiiyak ako, hindi ko kasi matanggap na ito ang nangyare sa ginawa ko. Ang sama sama kong tao, nagawa kong manluko para lamang kay Brett. Wala na kong magawa dahil wala na kong mukhang maihaharap pa lalo na kay Tita.

"Ms. Alexa okay ka lang ba ?? " hinawakan niya ang likod ko at pilit na kinokomport ako " kanina pa kayo umiiyak, may nangyare ba ?? " Tricia

Tumingin ako sa kanya saka hindi ko na lang napigilan dahil bigla ko na lang syang niyakap.

"Bakit ?? " Tricia

Humiwalay ako mula sa pagkakayakap sa kanya. Saka bumuhos na naman ang mga luha ko.

"Tricia I'm sorry " sabi ko

"Bakit po kayo nag sosorry Ms. Alexa ?? " Tricia

"Hindi Alexa ang totoo kong pangalan Tricia " sabi ko

"Huh ?? Teka, naguguluhan ako, ano bang ibig nyong sabihin ?? " Tricia

Huminga ako ng malalim saka iniwas ko yong tingin sa kanya.

"Ako si Grace Castro " sabi ko

Nagulat siya ng marinig ang pangalan ko.

"Grace ?? " tumango ako "pero paano nangyare ?? " Tricia

"Saka ko na lang sayo ikukwento kapag okay na ang lahat " sabi ko

Tumango lang siya saka tumahimik na lang ako.

Sumandal ako sa upuan at nag isip ng kong ano ano. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko.

Tumunog yong phone ko, hindi ko na lang pinansin dahil for sure si Brett lang ang tumatawag. Ewan wala akong lakas ng loob para kausapin siya. Naguguluhan pa kasi ako sa mga nangyayare.

Maya maya tumunog yong phone ni Tricia.

"Wag mong sagutin " sabi ko sa kanya.

Alam ko naman kasi kong sino ang tumawag.

Napapikit na lang ako at hindi ko na naman napigilan ang umiyak. Nasaktan ko si Tita Fiona sa kabila ng magandang bagay na pinakita niya sa kin. Wala akong magawa kong hindi ang sisihin ang sarili ko.

Huminto yong sasakyan sa tapat ng bahay at dali dali akong bumaba mula sa sasakyan.

Hindi ko alam kong tama ba yong gagawin. Natatakot ako sa posibleng mangyare, natatakot ako kong hindi pa ko umalis dito lalo na ng makita ko si Tita Fiona na galit na galit sa kin. Ayuko na ulit mangyare yon at ayukong maabutan niya ko dito.

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon