Chapter 34 : Runaway

11K 171 16
                                    


Hindi ko alam kong hanggang saan kami magtatagal lalo na ngayon alam na ni Tita Fiona ang lahat sa kong anong meron sa min, nakakalungkot dahil hindi ko naman intensyon na manluko pero nagawa ko pa din.

Ewan basta alam ko masaya ako dahil kahit paano kasama ko si Brett, si Brett na alam kong hindi ako iiwan gaya ng lagi niyang sinasabi sa kin na no matter what happen hinding hindi niya ko iiwan.

Malayo na nga ang narating namin dalawa pero sa kabila ng lahat natatakot pa din ako kong hanggang kailan kami ganito, I know na hindi basta basta papayag si Tita Fiona at alam ko na tutulan niya kaming dalawa.

Isang linggo ang lumipas mula ng mangyare ang revelation na yon. Hanggang ngayon nahihirapan pa din ako sa mga nangyayare kahit na kasama ko si Brett, kahit na lagi niyang sinasabi sa kin na hindi dapat ako mag alala pero hindi ko maiwasan eh lalo nat kahit paano naging malapit na din ako kay Tita Fiona.

Pinagmasdan ko ng maigi ang suot ko sa harap ng salamin.

Malayo na ang narating ko. Mahilig na akong magpaganda. Natatawa nga ako pag naiisip ko yung mga pinaggagawa ni Brett sa akin like mag-ayos ako, ito ang suutin ko, dapat ganito ang galaw at kilos, ang pananalita at kung anu-ano pang kadramahan sa buhay.

Pero tapos na ang pagpapanggap na yun. Tapos na ang bahaging yun sa buhay namin ni Brett. Ang iniisip ko na lang ay kung anong buhay meron kami ni Brett.

Hays.

Naway gabayan kami ng diyos sa bawat desisyon na gagawin namin.

Lumabas na ako ng kwarto ko at agad na bumaba ng hagdan. Pababa pa lang ako amoy na amoy ko na ang napakabangong pagkain na nanggagaling sa kusina.

Si Brett.

Lagi niyang pinapadama sa akin kung gaano niya ko kamahal.

Lahat ginagawa niya just to make sure na okay ako. Minsan nga naiisip ko na sobrang unfair ko dahil mas maraming pagkakataon ang sumusuko ako tapos siya naman yung tudo ligtas sa akin na wag akong bumitaw.

Napahinto ako sa may pinto ng kitchen at pinagmasdan ang gwapong alien na nagluluto. Nakakatawa nga eh dahil kulay pink pa yung apron niya.

Talagang sobrang hands-on niya sa ginagawa niya.

"Oh buti naman at bumaba ka na. Ang tagal mo eh. " sabi niya habang kita ko yung mga ngiti niya sa labi. Ngumiti din ako lagi na lang niya kasi itong ginagawa.

"Ang bango naman niyan. " sabi ko saka lumapit sa kanya.

"Specialty ko yan. "

"Mukhang ang sarap ah. " sabi ko at kunwari inamoy ko yung niluluto niya.

Pinatay naman niya yung stove saka humarap sa akin.

"Ang mabuti pa, maupo ka na at ipaghahain na kita aking prinsesa. " nakangiting sabi niya.

"Prinsesa ?? "

"Yap. Ikaw ang aking prinsesa. Kaya wag ka ng maarte. " sabay kindat niya.

"Alien ka nga talaga... Oh siya at akoy mauupo na aking alien. " pabiro kong sabi.

Saka naman ako naupo at pinanuod ko lang siya sa ginagawang niyang paghain.

Sana lagi na lang ganito. Yung kami lang.

Hays.

Nag-umpisa na kaming kumain at gaya ng nakagawian panay pa rin ang kwento niya ng nakakatawa.

Gusto ko sanang itanong kong anong nangyayare sa BC at kaya Mama niya pero sa tuwing nagtatanong ako ng ganyan. Iniiba niya ang usapan marahil ayaw niya lang na pag-usapan ang bagay na yun.

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon