••• Grace POV •••
May mga pagkakataon talaga na kailangan muna nating mag-isip. Mag-isip upang makagawa tayo ng mas magandang desisyon. Desisyon na kahit kailan ay hindi natin pagsisihan.
Hays.
Marami ng nangyare at marami na din akong napatunayan sa sarili ko at sa mga taong humuhusga sa amin.
Sobra akong nagpapasalamat sa lahat ng nagbibigay supurta at lakas sa akin lalong-lalo na si Brett.
Hindi ko siguro kaya kung wala siya sa tabi ko upang palakasin at patatagin ako.
Akala ko talaga mawawala na si Mama sa amin. Sa ngayon, kahit paano nagiging okay na ang kalagayan niya dahil sa patuloy na pag-aalaga namin.
Nagtutulungan kami ni Mila sa lahat upang maging mapadali ang pagrecover ni Mama.
Sobra din akong nagpapasalamat kay Tita Fiona sa ginawa niya. Hindi man ako personal na makapagpasalamat sa kanya ngayon, alam ko darating din ang araw na muli kaming magkakaharap.
Alam ko, hindi naging maganda ang huli naming pagkikita dahil sa nalaman niya tungkol sa pagkatao ko. Umaasa pa rin naman ako na balang araw mapatawad niya ko.
Huminga ako ng malalim saka nag-umpisang maglakad.
Hays. Ang aga-aga kong ano-ano na naman ang pumapasok sa aking isipan.
Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa kwarto ko. Kakatapos ko lang kasi na maglinis ng bahay at gusto ko na din namang magpahinga kahit saglit lang dahil to be honest ngayon lang ako napagod ng sobra dahil siguro masaya ako.
Ganito ba ang pakiramdam na walang iniisip ?? Sana ganito na lang lagi.
Huminga ako ng malalim bago ko pinihit ang doorknob ng pinto ng kwarto at halos manlaki ang mga mata ko sa nilalang na nakikita ko sa aking harapan.
Alien!
"A-alien ?? " nauutal kong sabi habang nakatingin pa rin sa gwapong nilalang na nakikita ko.
Hindi ko sure kung panaginip lang ba ito o sadyang totoo ang nakikita ko.
Napalunok na lang ako dahil sadyang kakaiba ang mga tingin niya sa akin.
Ang puso ko. Sobra na namang ang lakas ng tibok nito.
Si Brett ba talaga ang nasa harapan ko ??
Hindi talaga ako sure dahil ang Brett na nakikita ko ngayon biglang umiba. Para akong natutulala sa kanya.
Anong nangyare ??
Yung dating mahaba niyang buhok ngayon kagaya na ulit ng dati niyang ayos. Malinis tingnan at nakakabighaning tingnan. Wala na din yung bigote at balbas niya.
May himala ba ?? Anong nakain niya ??
The alien is back!
"Oh! Para ka namang nakakita ng multo. Let me guess, ngayon ka lang ba nakakita ng gwapo?? " sabi niya na siyang dahilan upang mapakurap ako at matauhan sa aking pinag-gagawa.
Yan din yung salitang sinabi niya sa akin noon nung unang encounter namin.
Napangiti na lang ako dahil naalala ko yun.
"Anong nangyare sayo ?? Okay ka lang ba ?? " sabi ko na parang ewan.
BINABASA MO ANG
My Boss is a Millionaire (Completed) Under Editing
RomanceHindi ko naman pinangarap na mahulog sa kanya , hindi ko pinangarap na maging bahagi ng buhay nya at hindi ko rin pinangarap na maging future wife ng isang Millionaire ..