Isang ngiti lang ni Brett sa akin nawawala na yung pagkainis ko sa kanya mas lalo pa kapag niyayakap niya ako.
His still the same Brett na nakilala ko. Walang nagbago at walang nabago sa amin.
Maybe iniisip ng iba na perfect couple kami. Ang sarap sanang pakinggan pero kagaya ng iba marami din kaming naiencounter na mga hindi maganda like tampuhan, asaran at kong ano-ano pa.
Sa loob ng maraming buwan na magkasama kami. Sobrang ang dami kong natutunan mula sa kanya.
Ewan. Siguro sa buhay ng isang tao, may isang nakalaan para sa atin. May isang taong kayang gawin ang lahat maging masaya lang tayo. Yung bang kulang na lang ikaw na yung gumawa ng isang bagay para hindi na siya mahirapan.
Minsan naman sa buhay may mga taong akala natin siya na talaga pero AKALA mo lang pala. Yung kaya kang pakiligin pero hindi ka naman kayang mahalin.
Sad life!
Meron namang mga tao na maraming nagkakagusto sa kanya pero ni isa dun wala kang pinansin kasi mas nakatuon ang atensyon mo sa isang taong wala ka namang halaga.
Nakakabaliw! Nakakaiyak at higit sa lahat nakakasakit ng sobra.
Minsan nga naisip ko noon ayukong maranasan ang umibig ng totoo para hindi na ako masaktan pero naisip ko. Kung hindi ka masasaktan wala kang matutunan.
Hays.
Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa binabasa kong ads. Broken hearted yata yung sumulat nito.
Isang linggo ang lumipas simula ng maganap ang napakaespesyal na sandali ng aking buhay. Pakiramdam ko nga kahapon lang nag proposed si Brett kahit maraming araw na ang lumipas. Hehe. Lumulutang pa rin kasi ang Lola niyo mga bes.
Araw-araw lagi akong inspired lalo na pag nakikita ko ang alien ng buhay ko. Araw-araw gusto ko siyang makasama at mayakap. Minsan pa nga naiinis na sa akin si Brett. Haha. Alam niyo naman kasi yun napakabipolar ng ugali.
Nitong mga nakaraang araw naging abala naman ako dahil sa kabi-kabilang meeting na dapat naming puntahan ni Brett. Yung organizer ng wedding namin, yung place ng lugar. Yung kakainin ng mga dadalo.
Nakakatuwa nga eh dahil hanggang sa pag-aasikaso ng kasal naging hands on pa rin siya para samahan ako. Siya nga halos ang nagreremind sa akin kung saan kami pupunta.
Alam niyo yung feeling na habang papalapit yung araw ng kasal namin eh hindi ko magawang matulog dahil sa sobrang excited ko ?? Ganon na ganon yung pakiramdam ko.
Sino ba naman ang hindi maiexcite diba ?? Hello, si Brett kaya yun.
"Let's go ?? "
Agad naman akong napalingon sa harapan ng sasakyan kong saan nakaupo si Mama Fiona. Sasamahan niya daw ako magpasukat ng gown. Actually siya talaga ang may idea nito. Pinagpaalam pa ako kay Brett na may pupuntahan kami. Yun pala sa isang famous designer kami pupunta.
Tumango na lang ako bilang sagot saka ngumiti.
Nauna siyang bumaba ng sasakyan bago ako. Hays. Ito na naman ako nag-uumpisa na namang kabahan. Hindi na talaga ako nasanay.
Tahimik lang akong nakasunod kay Mama Fiona papasok ng building. Kinakabahan man ay lakas loob pa rin akong naglakad na may tiwala sa aking sarili.
Ganito siguro ang pakiramdam pag malapit ng ikasal. Excited kumbaga.
Ilang minuto ang lumipas ay nakarating din kami sa isang boutique na masasabi kong sobrang ganda. I know this place.
BINABASA MO ANG
My Boss is a Millionaire (Completed) Under Editing
RomanceHindi ko naman pinangarap na mahulog sa kanya , hindi ko pinangarap na maging bahagi ng buhay nya at hindi ko rin pinangarap na maging future wife ng isang Millionaire ..