••• Bryle's POV •••
Patay na ang pakialamera. Yan ang nababagay sa mga taong kumakalaban sa akin. Kung hindi lang sana siya nakialam hindi sana sa kanya aabot ang ganong sitwasyon.
Pasensya na lang siya dahil inunahan ko na siya at panigurado ako tuluyan na siyang mamanahimik.
Napangiti na lang ako ng malapad.
Paalam.
Sunod-sunod na paghithit ang ginawa ko sa yosing hawak ko bago ko ito pinatay sa ashtray. Pinaikot-ikot ko pa ito doon hanggang sa mapatay ang sindi nito.
"Wala ng sagabal. " nasabi ko na lang sa aking sarili.
Isa na lang ang pinuproblema ko ngayon.
Si Brett.
Hindi ako dapat makampanti lalo na at malakas ang kutob ko na may ginagawang hakbang ang gonggong na yun.
Kailangang maisalin na lahat ng pera ng BC sa pangalan namin.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo saka naglakad papasok sa loob ng lumang kwarto kong saan nakakulong si Tita Fiona.
Hindi na ko nagtaka ng makita niya ako. Napangiti na lang ako habang nakapamulsa na nakatingin sa kanya.
Sa kanyang harapan makikita ang pagkain na inihain sa kanya kanina pero hindi niya ginalaw.
Wala akong pakialam kung mamatay man siya sa gutom.
"I have a bad news. Gusto mo bang malaman kung ano!? " pang-aasar ko sa kanya.
"Wala akong panahon para makinig sa mga sasabihin mo---- "
"Kahit tungkol ito kay Tricia ?? " sabi ko.
"B-bakit !? A-anong ginawa niyo sa kanya ?? " puno ng takot niyang sabi.
Napangiti na lang ako ng malapad habang nakatingin sa kaawa-awa niyang itsura.
"Wala na siya. Patay na si Tricia kaya wala ng magliligtas sayo. "
"P-patay na siya !? " nanginginig niyang sabi marahil hindi niya matanggap ang sinabi ko.
"Oo! Patay na siya. Patay na ang babaeng yun! " matigas kong sabi saka tiningnan siya ng masama.
"Napakasama mo Bryle! Pareho lang kayo ni Brenda! Wala kang pinagkaiba! " galit na galit niyang sabi.
"Come on Tita Fiona. Kung may masama man dito ikaw yun. Simula bata pa lang ako lagi mo ng pinamumukha sa akin na wala akong kwentang nilalang dito sa mundo. " napangiti na lang ako ng mapait habang matalim ang mga tinging ipinupukol ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Boss is a Millionaire (Completed) Under Editing
RomanceHindi ko naman pinangarap na mahulog sa kanya , hindi ko pinangarap na maging bahagi ng buhay nya at hindi ko rin pinangarap na maging future wife ng isang Millionaire ..