Minsan may mga bagay na kailangan nating gawin. Mga bagay hindi para matuto kong hindi 'yon ang dapat. Akala ko hindi magiging madali ang lahat mula umpisa pero heto ako ngayon unti unti ko ng nagugustuhan ang trabaho ko. Unti unti na kong nagiging mahusay. Mahusay manluko ng kapwa.
Unti-unti akong kinakain ng sarili kong konsensya pero nababaliwala iyon kapag naiisip ko ang aming kalagayan. Kapit na ako sa patalim. I have no choice. Wala akong karapatan na magreklamo instead kailangan kong galingan ang pag-arte. Kailangan kung husayan at maging makatotohanan.
Nasa may sofa ako ngayon , gaya ng dati si Mila na naman ang nag aayos sa kin , diba nga may pupuntahan kami ni Tita Fiona , wala nga akong idea kong san niya ko dadalhin basta ang sabi ni Brett gawin ko lang ang sa tingin ko ay dapat. Kahit na kinakabahan ako kailangan kong masanay na hindi dapat.
"Matagal pa ba 'yan?" ang tanong ko kay Mila. Inayosan niya kasi ako ng malaman niyang may lakad ako. Gusto ka nga niyang sumama kaya lang tumanggi ako. As usual alibi na naman ako para lang di ko siya mapapayag.
Kabado ako habang nakaharap sa salamin. Hindi ko kasi mapigilang mag-isip ng mga kung ano-ano lalo na at kasama ko si Tita Fiona mamaya.
"Sandali na lang 'to! Masyado ka namang excited! Saan ba kayo pupunta ng Boss mo?" ang tanong niya.
"Aray ko!" ang daing ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. Yung mga tingin niya sa akin halatang kinikilig kapag binabanggit niya ang salitang 'boss' "Hoy parang may ibig sabihin 'yang tingin mo!"
"Bakit hindi ba? Bagay kaya kayo."
"Of course not! Ikaw talaga kong ano ano na naman ang pumapasok diyan sa utak mo!" muli akong tumingin sa harap ng salamin. "Hindi ako pwedeng mainlove sa isang millionaire! Alam mo naman mataas ang tingin nila at mataas ang standard nila sa isang tao."
"Oyy masyado kang defensive napaghahalataan ka Hehe."
"Ikaw talaga! Bilisan mo na lang diyan at baka ma-late pa ko." daing ko habang patawa-tawa naman siya.
Itong kapatid ko na 'to! Saan kaya nagmana masyadong malakas ang saltik!
Pinagmasdan ko na lamang ang aking sarili sa harap ng salamin habang inaayosan niya ako. In fairness, nagmukha akong tao. Buti na lang talaga at may kapatid akong makeup artist. Hehe.
Tumingin ako sa salamin at pinag masdan ko ang mukha ko , infairness gumanda naman ako kahit one percent lang. Pasasaan ba at matututo din akong mag-ayos at gumamit ng makeup. Konting push pa.
"Ayan okay na." nakangiting sabi ni Mila.
Nakangiti ako habang tumatayo. Suot ko yung dress na binili sa akin ni Brett. Medyo tiis ganda pa rin ako sa high heels. Bagay naman sa akin ang suot ko at alam kung mukha akong mayaman sa suot ko.
"Bagay ba?" ang tanong ko sa kanya.
"Of course! Ikaw lang naman ang pinakamaganda sa lahat."
"Binola mo na naman ako."
"Hindi no!"
Napangiti na lamang ako dahil sa major reaksyon ng kapatid ko. Isang nakakaasar na tingin ang iginawad niya sa akin.
"Alam ko na ang mga tingin na 'yan! Don't worry kapag dumaan ako sa mall bibilhan kita." ang saad ko at kasunod nun ang paglapad naman ng kanyang ngiti!
"Yes! The best ka talaga ate!" bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Kulang na lang hilahin niya ako kanina. "Sige na, baka malate ka pa."
Oo nga pala! Agad kung kinuha ang bag ko saka ibinalik ang aking tingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Boss is a Millionaire (Completed) Under Editing
RomanceHindi ko naman pinangarap na mahulog sa kanya , hindi ko pinangarap na maging bahagi ng buhay nya at hindi ko rin pinangarap na maging future wife ng isang Millionaire ..