Hays.Napabuntong-hininga na lang ako habang nakaharap sa malaking salamin. Kakatapos ko lang ayusan ng mga makeup artist na kinuha ni Mama Fiona.
Excited na kinakabahan ako. Ngayong gabi na kasi ang engagement party namin ni Brett. Alam kong hindi ito isang ordinaryong gabi sa aming dalawa. Gusto kong maging makabuluhan ang gabing 'to.
Nitong mga nakaraang araw ay naging abala ulit kami ni Brett. Kaliwat kanan ang photoshoot na pinupuntahan namin. Nag shoot din kami para sa video wedding namin sa ibang bansa. Sobrang nakakaamaze ang lahat ng mga nangyayare ngayon sa buhay ko.
Marami na ding mga writers ang nagsulat tungkol sa wedding of the year ng mga Calvien. Minsan pa nga may nag iinterview sa amin pero syempre tudo iwas naman kami lalo na talaga pag kasama ko si Brett.
Overall masasabi kong sobrang saya ng paghahanda namin sa nalalapit na kasal namin. Kung gaano ako kaexcited ay ganon din si Brett. Hindi na nga ako makatulog ng maayos dahil naiimagine ko na mismo ang araw ng kasal namin. Hehe.
Napangiti na lang ako out of nowhere dahil sa mga naaalala ko nitong mga nagdaang araw.
Pinagmasdan ko ng maigi ang aking sarili. Sobrang napakaganda ko sa suot kong long dress gown na kulay silver. Simple lang ang design pero sobrang napakaganda kong titingnan ang suot ko.
Ako pa naman ang pinakamagandang nilalang sa party. All eyes on me. Gusto kong maging perpektong creature sa lahat ng mga dadalo. Lately, nakilala ko na din sa wakas ang mga kaibigan, kamag-anak, Clan of Calvien at lalong-lalo na ang dalawang kapatid ni Brett na babae na nasa ibang bansa.
Sobrang napakaganda ng mga lahi nila. Artistahin bes.
TOK! TOK!
Napalingon ako sa may pinto na nakabukas naman at nakita ko si Mila. Suot ang napakaseductive na kasuotan. Juice colored! Pulang-pula ang Lola mo. Kinabog pa ako.
"Ang ganda naman ng sisteret ko. Syempre mas maganda ako. Selfie nga tayo. "
Hindi ko na nagawa pang sumagot dahil nakatutok na agad ang camera sa aming dalawa.
"Ayan. Thank you. " dagdag pa niya.
"Hoy Mila. Baka naman mahipan yang pusod mo. " puna ko.
Tiningnan naman niya ako ng nakakaewang tingin.
"Hays. Umaariba na naman ang pagiging conservative ng sisteret ko. You know. Fashion. " maarteng sabi ng kapatid ko saka niya ako nginitian ng nakakaasar.
Pang-asar din 'tong kapatid ko.
"Anyway, anong feeling mo ngayon ?? " tanong niya sa akin.
Tiningnan ko muna siya bago ako magsalita.
"Kinakabahan ako eh. " sabi ko. Kumunot naman ang noo niya na parang ewan.
Naupo naman siya sa tabi ko saka hinawakan ang kamay ko.
"Sisteret ngayon ka pa ba kakabahan ?? Sa dami ng pinagdaanan niyo ni Kuya Brett ngayon pa talaga ?? "
BINABASA MO ANG
My Boss is a Millionaire (Completed) Under Editing
RomanceHindi ko naman pinangarap na mahulog sa kanya , hindi ko pinangarap na maging bahagi ng buhay nya at hindi ko rin pinangarap na maging future wife ng isang Millionaire ..