Everything is not my control. Alam kung hindi magiging madali ang gabing ito para sa akin pero naniniwala akong magagampanan ko ng maayos. Kailangan ko lang umakto at maging kapanipaniwala sa mga taong naroon. Pakiramdam ko tuloy ako na ang kuntrabida dito. Ako ang masama sa kwentong ito.Alam ko hindi ako pababayaan ni Brett. Sabi niya sa akin expect the unexpected. Nag rehears pa kami kanina kung anong gagawin ko pag nandoon na sa party. Kailangan ko raw ibigay ang 100% sa pag-arte. Kumbaga kailangan kong ipakita ang pang best actress ko. Jusmiyo! Daig ko pa ang artista sa mga pinapagawa niya sa akin.
Napapabuntong hininga na lang ako sa tuwing naiisip ko 'yong mga bagay na nagawa ko na, na akala ko hindi ko magagawa. Ang laki na ng pinagbago ko.
Dali dali akong lumabas ng kwarto. Simple lang ang ayos ko dahil dadaan pa ako sa salon kung saan ako aayosan. Hindi ko binonggahan ang suot ko dahil baka magtaka sila Mama at Mila sa akin. Tama ang ganito kasimpleng suot.
Excited ako na kinakabahan. Ngayong gabi makikilala ko na ang buong angkan nila Brett. Calvien Clan. Alam kung hindi sila basta basta dahil sa yaman ng mga Calvien.
Napatigil ako sa paghakbang ng makita ako ni Mila. Nakaupo siya sa sofa habang nakasalubong ang kilay niya sa akin.
"Aalis ka na naman?" ang tanong niya.
"Wag kang maingay!" ang mahina kung saway sa kanya. "Si Mama?"
"Nasa kusina, hinahanap ka na nga eh. Saan ka ba nagpupunta at lagi ka na lang umaalis. Di na tayo nagbbonding Sis."
"Saka ko na sasabihin sayo. 'Wag ng magtampo okay?" sabi ko at lumapit ako sa kanya. Niyakap ko ang kapatid ko na halatang nagtatampo sa akin.
Pansin ko nga din, simula ng tanggapin ko ang offer ni Brett ay bibihira na lamang kaming magbonding ng kapatid ko.
"Anong meron!?" sabay kaming napalingon ni Mila kay Mama. May dala pa siyang sandok habang nakatingin sa akin. "Grace saan ka na naman pupunta? Lagi ka na lang umaalis? Hindi ka na napirmi sa bahay at isa pa sabado ngayon."
Ibinalik ko ang aking tingin kay Mila. Panandilatan ko siya ng aking mata na parang kinakausap ko siya bago ako muling tumingin kay Mama.
"Ma, kasi meron kaming social party kasama 'yong boss ko. Nakakahiya naman po kong hindi ako pupunta." pagsisinungaling ko.
"At kailan ka pa natutong umatend ng party?" ang deretsong tanong ni Mama sa akin. Nakaramdam ako ng sobrang lakas na kaba dahil sa sinabi ni Mama.
"Ah, Mama. Hayaan na lang po natin si Ate Grace and beside dapat ma-experience niya yung mga social gatherings, para makilala niya 'yong mga officemates niya." tumingin ako kay Mila saka kininditan niya ko."Minsan lang naman siya lumabas."
"Oo nga Ma. Promise, hindi ako iinom sa party." ang dagdag ko pa.
"Hoy Grace baka naman natututo ka ng magsinungaling sa akin!? Baka naman may boyfriend ka, umayos ka."
"Maaa!" Pag-iinarte ko.
"Bahala nga kayong dalawa, basta mag-iingat ka ha, wala ng aalalay sayo, matanda ka na."
"Opo Ma." saad ko. Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa pagsisinungaling ko.
Sinundan ko ng tingin si Mama hanggang sa makapasok ito sa kusina saka ko ibinalik ang aking tingin kay Mila na sobrang lapad ng kanyang ngiti.
"Sis, thank you." sabi ko sabay hawak ko sa kanyang mga kamay.
"Saan ka ba talaga pupunta? Bakit ayaw mong ipaalam?" Ang usisa niya sa akin, binitawan ko ang kamay niya sabay bumuntong hininga ako.
BINABASA MO ANG
My Boss is a Millionaire (Completed) Under Editing
RomanceHindi ko naman pinangarap na mahulog sa kanya , hindi ko pinangarap na maging bahagi ng buhay nya at hindi ko rin pinangarap na maging future wife ng isang Millionaire ..