Chapter 37 : Wish Tree

7.6K 130 4
                                    

•••• Tricia's POV ••••

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong binabagabag ng mga nangyare. Halos sa isang iglap ay naglaho na lang ang lahat.

Alam kong may mali.

Lahat ng mga nangyayare ngayon sa BC ay parang planado. Merong nagaganap na malaking sabotahe kaya ganon na lang kadali ang palitan si Sir Brett sa kanyang posisyon bilang CEO ng BC.

Hindi pa rin ako makapaniwala lalo na sa nangyare kahapon.

***

Natahimik ang lahat ng board na parang dinaanan ng masamang hangin ng pumasok sa loob si Ma'am Brenda kasama ang mayabang niyang anak na si Bryle.

Kapansin pansin ang mga ngiti nila na. Ngiti na alam kong may mali.

Hindi nakawala sa aking paningin ang paglukot ng mukha ni Madam Fiona ng magtama ang mga tingin nila.

Hindi ito maganda.

Wala naman akong magagawa dahil isa lamang akong walang kapangyarihan sa BC.

"Everyone I want you to meet, the new CEO of BC group Enterprises. My son Bryle Calvien. " nakangiting sabi ni Ma'am Brenda.

At sunod sunod na palakpakan ang maririnig sa loob ng conference room.

Alam ko hindi rin makapaniwala sa Madam, lalo na at si Sir Bryle na ngayon ang may hawak nitong BC.

Naalala ko tuloy yung sinabi sa akin ni Sir Brett.

Ano kayang gagawin niya sa oras na malaman niya ang lahat ng 'to.

"Simula ngayon ay si Bryle na ang hahawak ng BC group. We all know na may malaking utang na naiwan ang dating CEO, Brett Calvien. " kita ko sa mga mata ni Ma'am Brenda ang masamang tingin na ipinupukol niya kay Madam.

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon