Chapter 48 : Romantic Date

6.7K 114 8
                                    


••• Grace POV •••

Masasabi kung unti-unti ng nagiging okay ang lahat. Okay na si Mama dahil naging madali ang pagrerekober niya. Sinabi ko kay Mama na si Tita Fiona ang gumastos sa operation niya.

Naway mapatawad na niya ako.

Natutuwa din ako para kay Brett dahil nagbalik na siya sa BC. Hindi pa nga ako makagetover hanggang ngayon sa ginawa niya.

Feeling ko nakikita ko pa ang gwapong mukha niya sa apat na sulok ng bahay.

Nababaliw na naman ako.

Alam niyo yung feeling na mapapangiti ka na lang mag-isa dahil sa mga nakakakilig na naglalaro sayong isipan.

Nakakabaliw! Siguro kung may makakakita man sa akin ngayon ay ganon din ang iisipin.

"Hoy ate! Anong nginingiti mo diyan !? "

Agad naman akong napalingon kung saan nanggaling ang boses ni Mila. Kakasabi ko lang diba ??

"Makangiti ka naman abot hanggang bunbunan te! " dagdag pa niya na panigurado akong inaasar niya ako.

"W-wala. " pagbawi ko saka inayos ang aking sarili.

Yung tingin ni Mila alam ko na kung anong ibig sabihin. Yung tinging 'sige-ate-itanggi-mo-pa' looks.

"Hindi naman siguro masamang ngumiti diba ?? " sabi ko with taas kilay pa ako.

Tinaasan din niya ako ng kilay with matching cross arms pa talaga.

"Oo. Hindi naman masamang ngumiti. Ang masama lang. Ngumingiti ka ng walang dahilan. Yung totoo, kinikilig ka pa rin ba !? " sabi ni Mila habang naglalakad palapit sa akin na para bang dinaig pa ang reporter.

Hays. Pagdating talaga sa kanya wala akong maitatago.

"Oo na. " pagsuko ko.

"Ayieh!! Kinikilig pa rin siya. Hehe. " pang-aasar niya sa akin.

Baliw talaga ang isang 'to.

Napangiti na lang din ako dahil sa kalukuhan niya. Kung makatingin sa akin wagas.

"So, ano ng plano sisteret! " tanong niya sa akin saka naupo sa kabilang sofa.

"Plano ?? " kunot-noong tanong ko na hindi ko alam kung anong ibig niya.

Napakamot naman siya sa kanyang ulo na para bang disappointed sa sagot ko.

"Ate naman eh. Plano--- plano niyong dalawa. " inis niyang sabi.

Hindi naman siya excited sa mangyayare sa lovestory namin ni Brett.

Hindi talaga ako nito titigilan hanggat hindi ko sinasagot ang mga tanong niya. Ang kulit pa naman niya.

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon