May mga bagay na akala ko magiging madali ang lahat, alam ko na nag uumpisa pa lang kami at marami pang pwedeng mangyare. Ayukong mag isip ng kong ano ano dahil alam ko na malalagpasan namin ang lahat. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na boyfriend ko na ang isang millionaire sa bansa. I can't imagine na aabot kami sa ganito. Marami na palang nangyare mga bagay na hindi ko inakala na aabot kami sa ganito.
Nagising ako, hindi ko alam pero instead na babangon na ko napatingin na lang ako sa kisame at bigla na lang may pumasok sa isip ko.
Paano ko kaya sasabihin kay Mama ang lahat , ang lahat ng mga nagawa ko sa kanya, yong pag sisinungaling ko para lang matakpan ang pag papanggap namin. I know malaki ang nagawa kong kasalanan kay Mama niluko ko din sila dahil sa pinasok ko kaya nga hindi ko alam kong paano ko sasabihin sa kanila ang lahat.
Bigla akong natigil sa pag iisip dahil oo nga pala kasama ko si Brett sa loob ng kwarto. Ito yong unang beses na dito siya natulog sa loob, since may tiwala naman ako sa kanya kaya pumayag na ko na dito siya sa loob ng kwarto matulog. Gusto ko sana syang silipin pero wala akong lakas ng loob ng tingnan siya.
Huminga ako ng malalim.
Gising na kaya siya ??
Hindi ko mapigilan ang mag isip ng kong ano ano kasi naman eh ang awkward.
Huminga ako ng malalim saka dahan dahan akong tumingin kong san siya nakahiga. Pero nagulat ako ng makita syang nangangatog sa lamig kaya naman dali dali akong bumaba at agad kong hinawakan ang noo niya.
"Nilalagnat ka " mahina kong sabi
Hindi ko alam kong anong gagawin ko kasi naman eh kong bakit ngayon pa siya nag kasakit. Nangangatog pa rin siya kaya hindi ko maiwasan ang kabahan.
"Are you okay Brett ?? " sabi ko
Hindi siya makapagsalita at alam ko na hindi siya okay. Inalalayan ko syang humiga sa kama kinumutan ko siya ng makahiga na siya.
"Kukuha lang ako ng gamot ha?? " sabi ko
Tumango na lang siya at halatang nahihirapan. Lalo na pag nakikita ko ang namumuo nyang pawis kaya naman dali dali akong lumabas ng kwarto saka bumaba ako, hindi ko alam pero nag aalala ako sa kanya paano na lang kong may nangyareng masama sa kanya ?? Hindi pa naman ako sanay ng ganito.
Kumuha ako ng gamot saka pumasok na din sa may kitchen para kumuha ng maligamgam na tubig.
Habang nag lalakad ako pabalik sa kwarto hindi ko magawang kumalma dahil sa sitwasyon kasi naman kong bakit naisipan nyang mag paulan kagabi.
Pag pasok na pag pasok ko nakita ko syang lamig na lamig at hindi pa rin tumitigil yong mga pawis niya. Nilapag ko yong palanggana sa baba ng kama at agad kong hinawakan ang noo niya.
"Brett nandito na ko, are you okay ?? " sabi ko
Nginitian niya ko.
"Wag ka ngang ngumiti dyan, ano okay ka ba ?? " sabi ko
"Wala to, wag mo na lang akong intindihin " Brett
"Anong wag ?? Ang init mo kaya " sabi ko
Kinuha ko na yong palanggana saka piniga ko yong towel at dahan dahan ko syang pinunasan habang siya nakatingin lang sa kin.
"Pwede wag mo kong tingnan ng ganyan " sabi ko
"Ano ba kasi ang ginagawa mo ?? " Brett
"Pinupunasan kita para bumaba yang lagnat mo " sabi ko
Hindi ko magawang tumingin sa kanya kasi naman kong makatingin siya para na naman niya akong huhubaran.
"You know what, hindi na ko bata para gawin mo yan " Brett
BINABASA MO ANG
My Boss is a Millionaire (Completed) Under Editing
RomanceHindi ko naman pinangarap na mahulog sa kanya , hindi ko pinangarap na maging bahagi ng buhay nya at hindi ko rin pinangarap na maging future wife ng isang Millionaire ..