Lahat daw ng kwento ay may ending. Minsan masaya, minsan malungkot. Minsan pa nga bigo at sawi.
Ganon naman talaga diba ?? Hindi lahat ng kwento nagtatapos sa hindi magandang ending.
Wala na nga siguro akong mahihiling pa. Binigay na kasi ni lord lahat ng mga hiniling ko.
Base sa mga nabasa ko, okay lang masaktan, okay lang maging tanga minsan sa pag-ibig, ang hindi lang okay ay gawing hobby ang paulit-ulit na masaktan.
Wag ganon! Matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa. Matutong manalig, magtiwala at umunawa.
Kung nasaktan ka man ng maraming beses, maging masaya ka dahil sa maraming beses na yan ay may isang tao na hindi ipaparamdam ang mga bagay na naranasan mo. Bagkus, gagawin ka pang kanyang reyna.
At isa pa, wag tayong magmadali na mahanap yung true love natin. Matuto tayong maghintay.
Hays.
Para na naman akong timang sa ginagawa ko. Kaluka kasi yung sisteret ko, kung ano-ano ang pinapasa sa akin na mga quotes.
Gusto niyo bang malaman kong anong nangyare sa amin after the wedding ??
Malamang! Hehe.
Eight months ang lumipas matapos ang kasal namin ni Brett. Ganon kabilis diba ?? Actually hindi ko nga din naramdaman na ganon kabilis.
Ang daya naman kasi. Sabi ko pa noon, sana tumigil na lang ang oras para hindi na matapos ang araw na magkasama kami. Pero ngayon masaya ako dahil araw-araw kong nakakasama at nayayakap si Brett.
Sa loob ng walong buwan na mag-asawa na kami ay mas lalo kong minahal si Brett. Pinatunayan niya at tinupad lahat ng mga ipinangako niya sa akin noon. Pinaramdam niya sa akin kong gaano niya ako kamahal.
At sa loob ng walong buwan ay ginawa ko naman ang part ko bilang ilaw ng tahanan. Nakakatuwa nga eh dahil pinagsisilbihan ko siya. Ako ang nagluluto. Nagliligpit ng pinagkainan. Namamalantsa ng mga damit niya. Halos lahat ng gawaing bahay ako ang gumagawa.
Sabi pa nga niya sa akin, 'Bakit daw hindi kami kumuha ng maids para daw hindi na ako mahirapan. '
Natawa ako nun eh. Pero hindi ako pumayag dahil para saan pa at naging asawa niya ako diba ??
Ito yung pangarap ko. Pangarap ko na pagsilbihan si Brett habang may buhay.
Syempre, may mga araw na nagtatampuhan kami. Siya naman lagi ang gumagawa ng paraan para magkaayos kami. Lagi niya akong niyayakap ng mahigpit at hindi siya titigil hanggat hindi ako kumikibo.
Naging routine na nga niya yun eh. Sa isip-isip ko napapangiti na lang ako pag ganon kami. Talagang tinutupad niya yung mga pangako niya sa akin. Yung pangakong, binitawan niya sa loob ng simbahan.
Fast forward, hindi rin pinalampas ni Mama Fiona ang pagkakataon na matuto akong maghandle ng business. Kasalukuyan akong acting CEO ng BC katuwang ko si Brett sa pag handle ng kumpanya. Marami akong natutunan sa ginagawa ko. Hindi pala ganon kadali ang humawak ng kumpanya.
At salamat sa diyos dahil bumalik na ang estado ng BC sa business world.
Samantala, tuluyan ng ngang nakulong sila Ma'am Brenda at ang asawa nito. Itinuloy kasi ni Mama Fiona ang kaso laban sa kanila.
BINABASA MO ANG
My Boss is a Millionaire (Completed) Under Editing
RomanceHindi ko naman pinangarap na mahulog sa kanya , hindi ko pinangarap na maging bahagi ng buhay nya at hindi ko rin pinangarap na maging future wife ng isang Millionaire ..