Chapter 42 : Behind The Secrets

7.2K 100 5
                                    

••• Tricia's POV •••

Madami na kong natuklasan at nalaman tungkol sa BC. Malaking palaisipan sa akin ngayon kung bakit sobrang bilis ng paglubog ng BC in a short period of time.

Isang buwan pa lang ang nakakalipas simula ng lisanin ni Sir Brett ang BC at palitan ni Sir Bryle bilang CEO.

Nakakapagtaka.

Pero hindi pa rin sapat lahat ng mga nalalaman ko ngayon at wala pa akong makuhang pruweba na magpapatunay sa mga haka-haka na gumugulo sa aking isipan pero malakas ang kutob ko na tama ang hinala ko na may ginagawang hindi maganda si Sir Bryle laban sa BC.

Sa ngayon, kulang pa ang lahat ng information na meron ako at yun ang isang bagay na gumugulo sa akin, mga bagay na maaaring tama ako ng hinila.

'Pero bakit ko pinaghihinalaan si Sir Bryle ??'

Isang malaking tanong ang gumugulo sa aking isipan.

Tama ba na paghinalaan ko si Sir Bryle gayong siya naman ang CEO ng BC at tanging nakakaalam at ikakabuti ng BC.

Siya ang CEO ng BC pero bakit ako ganon ka interesado na pag-isipan siya ng hindi maganda ??

Baliw ba ako ??

Hays.

Kung anu-ano na naman ang gumugulo sa aking isipan. Mga tanong na maaring alam ko ang sagot.

Pero malabo lahat ng iniisip ko. Marahil nilalason lang ang aking isipan ng aking kuryusidad kaya ganito ako mag-isip.

Ano bang nangyayare sa akin ??

Huminga ako ng malalim bago tuluyang lumabas mula sa loob ng elevator. Pinapatawag kasi ako ni Madam dahil may itatanong daw siya sa akin. Mga katanungan na hindi ko alam pero isa lang ang naramdaman ko na lalong nagpakaba sa akin.

'Alam na kaya niya ??' Hindi ko maiwasang itanong sa aking isipan.

Tumingin ako ng deretso saka naglakad sa hallway papunta sa office ni Madam. Binati naman ako ng mga nakakasalubong ko na nagtatrabaho sa BC. Nginitian ko lang sila bilang tugon.

Habang papalapit ako sa office ni Madam Fiona ang siya pa lalong pagbilis ng kaba ko.

Sounds weird!

Hays.

Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako sanay kay Madam Fiona. Kinakabahan pa rin ako sa oras na pinapatawag niya ako.

Huminto ako sa tapat ng office ni Madam Fiona. Sobrang laki nito at ganda.

Hindi na ako nag-atubiling kumatok pa kaya binuksan ko ang pinto ng office ni Madam saka derederetsong pumasok sa loob.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong walang tao sa loob at kahit si Gigi wala rin dito.

Out of curiosity kaya naman ginala ko ang paningin ko sa loob ng office.

"Madam ??" tawag ko.

Pero wala tugon mula sa tawag ko indikasyon na walang tao sa loob.  Muli kong binalik ko ang atensyon ko sa buong paligid.

Magara at mamahaling gamit ang makikita sa loob ng office ni Madam. Meron itong sariling pantry na para bang bahay din ang opisina niya.

Naglakad ako palapit sa table niya. Hindi ko alam kong anong pumapasok sa isip ko na para bang kusa akong dinadala ng mga paa ko sa table ni Madam.

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon