Chapter 5 : Preparation

23.3K 371 7
                                    


Hays.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Wala na akong kawala sa proposal na inalok sa akin ng Brett na yun. Bahala na talaga si Batman.

Sa totoo lang, sobra akong guilty ngayon dahil isang malaking panluluko ang gagawin ko. Magpapanggap ako na fake fiancee ni Brett at sasakay sa lahat ng mga plano niya. Wala na kung choice eh. Kailangan ko 'tong gawin. Sobrang kailangan.

Alam niyo naman diba kung anong pinagdadaanan namin ngayon. Kasi naman eh. Kung hindi lang kami nagkaroon ng problema hindi ko tatanggapin at sasakyan ang pagpapanggap niya.

Tatlong buwan lang naman 'to. Pagtatiyagaan ko na lang.

Wag niyo naman sanang isipin na tinanggap ko yung offer ni Brett dahil sa pera. Sobrang gipit lang talaga ako. Idagdag pa ang patong-patong na utang namin. At isa pa wala din akong choice dahil pag hindi ko tinanggap ang offer niya ipapaban niya ako sa lahat ng company dito sa Pilipinas. Ang ending magiging tambay ako buong buhay ko at ayukong mangyare yun sa akin.

Kung bakit ba naman kasi sa daming tao na pwede kung makabunggo siya pa talaga! Ang Boss pa talaga ng BC.

Ipinark niya ang sasakyan sa isang malaking mall. Puno naman ng pagtataka ang mga tingin ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Tiningnan niya lang ako ng nakakainis niyang tingin.

"Bumaba ka na. Wag kang assuming na ipagbubukas kita ng pinto. " suplado niyang sabi.

Sasagot sana ako kaya lang mabilis siyang bumaba ng sasakyan. His getting into my nerves! Napabuntong-hininga na lamang ako at agad na bumaba ng sasakyan.

Nakakayamot at nakakainis ang mga tingin niya sa akin. Para saan pa at isinama niya ako dito kung maiinis din naman pala siya.

"Baka naman matunaw ako niyan. " sabi ko ng lumalim ang mga titig niya.

"Hindi porket tiningnan kita maganda ka na. Ang taas naman ng confidence mo. To the highest level ba?? Tss! " inis niyang sabi.

Suplado talaga!

Hays. Ang sarap niya talagang durugin. Masyadong mahangin kapag nagsasalita. Akala mo naman nakakatuwa siya!

Pigilan niyo ko! At makikita ng Brett na 'to ang hinahanap niya.

Iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kanya kasi masyado siyang presko kung makatingin sa akin. Nakakakulo pa ng dugo! I swear!

"Ano bang gagawin natin dito
?? " sabi ko nung naglalakad na kami sa loob ng mall.

"Would you think ano bang ginagawa sa mall?? "

"Hindi ko alam eh. Mamalengke?? Tss! kaya nga nagtatanong ako diba?? " asar kong sabi.

Nagtatanong ako ng maayos tapos hindi ako sasagutin ng maayos. Saksakin ko kaya 'to ng makita niya ang hinahanap niya.

"You know what! Nakakahalata na ko sayo. Kung sumagot ka parang ikaw yung Bossing dito. Ganyan ka ba talagang makipag-usap?! It's annoying you know?? " irita na naman niyang sabi.

"Pasensya na po Kamahalan. " banat ko sa kanya. Tiningnan naman niya ako ng isang nakakatakot na tingin. 

Sorry ha! Hindi kasi ako nainform na bawal na pala ang magtanong ngayon!Kakaloka!

Iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kanya at baka hindi ko siya matantiya, masipa ko pa siya.

"You want to know?? " tanong niya bigla.

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon