Chapter 57 : Escape Plan

6.4K 102 8
                                    


••• Brett's POV •••

Kumusta na kaya sila ??

Ang paulit-ulit kong tanong sa aking isipan. Ang tanong na nagdudulot sa akin ng pagdurusa at pangungulila.

Hindi ako mapakali sa isang sulok dahil sa kakaisip sa kanila. Para akong mababaliw sa kong anong maaari kong gawin.

Minsan nga tatahimik na lang ako sa isang tabi at mag-iisip ng mag-iisip.

Ayuko na ng ganito! Sobra na akong nababaliw!

Mas tinitibayan ko pa rin ang sarili ko kahit na kunting dahilan na lang ang natitira sa akin upang sumuko ako.

Hays.

Apat na araw na simula ng dukutin ni Bryle si Grace at isang linggo naman simula ng mawala si Mom.

Hindi ko alam kong paano ko nakakayanang harapin at hawakan ang mga nangyayare ngayon. Tanging sa mga alaala na lang ako kumakapit upang lumaban.

Alam kong makikita ko din sila.

Sa bawat minuto at oras na lumilipas ay nanatili lamang ako sa may presinto para makakuha ng updates tungkol sa kanila. Para na nga akong sira doon dahil sa paulit-ulit na linyang sinasabi ko.

Hindi ako mapakali sa isang sulok at bawat oras lagi kong sinasabi sa mga pulis ang mga dapat gawin pero hindi nila ako pinapakinggan.

Kilala ko si Bryle. Napakarumi ng kanyang laro.

Aaminin ko sa aking sarili na sobrang natatakot ako. Natatakot ako sa posibleng mangyare.

Walang kasigurohan ang lahat!

Paano na lang kong hindi namin sila maabutan ?? Paano na lang kung pinatay na sila ng hayop na Bryle na yun ??

Hindi ko alam kong anong gagawin ko kapag nangyare yun.

Habang tumatagal ay nagiging kumplikado at sobrang hirap ng lahat.

Wala akong magawa kung hindi ang mag-antay.

Hays.

Napabuntong-hininga na lang ako bago bumaba ng sasakyan.

Tinawagan ako ng lawyer ko, kailangan ko daw pumunta ngayon ng presinto.

Sana naman may magandang balita na akong matanggap mula sa kanila.

Pagbaba ko ng sasakyan si Attorney na agad ang nakita ko. Siya ang sumalubong sa akin. Nginitian niya ako pero alam kong pilit lang ito.

Alam ko sa mga tingin niya sobrang concern niya sa mga nangyayare ngayon.

Naglakad ako palapit sa kanya na may lungkot sa aking mukha.

Hinawakan niya ako sa kaliwang balikat ko at nakipagsabayan ako sa mga tingin niya sa akin.

"Tibayan mo ang loob mo. Malapit mo na siyang makita. " sabi niya sa akin na punong-puno ng kumpyansa.

"Paano kong h-hindi ko na sila makita ?? " walang emosyon kong sabi. Ramdam pa nga sa boses ko ang panginginig nito ng banggitin ko ang mga salitang binitiwan ko. Para akong mamamatay. Ang hirap!

"Be strong Brett. Wag kang mawalan ng pag-asa. " maiksing tugon niya sa akin.

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon