Chapter 60 : Rewards Date

7.2K 125 1
                                    

Isang buwan na ang lumipas matapos ang insedenteng yun sa buhay namin. Isang buwan na ang nakakaraan pero parang kahapon lang nangyare ang bagay na yun.

Hindi pa rin kasi humihilom ang sugat dulot ng nangyare.

Nakakalungkot dahil sa ganoong paraan pa magtatapos ang buhay ni Bryle.

Nung mga panahon na yun akala ko hindi na ako mabubuhay pa. Pero salamat sa diyos dahil hindi niya ako pinabayaan.

Binigyan niya pa ako ng pagkakataon na makasama ang alien ng buhay ko.

Hindi ko talaga makakaya at makitang nahihirapan si Brett ng dahil sa akin. Siya ang buhay ko at sa kanya lang umiikot ang mundo ko.

Wala na kong mahihiling pa kundi ang makasama siya habang-buhay.

Sa loob ng isang buwan na lumipas, marami nang nangyare. Si Brett na ulit ang Boss ng BC Enterprise. Salamat sa diyos dahil unti-unti ng bumabalik ang lahat sa dati.

Yung mga dating investor ng BC, bumalik na din sila sa kumpanya para mag-invest at tulungan itong lumago.

Hindi ko nga nababanaag ang pagod kay Brett. Syempre lagi naman akong nasa tabi niya sa lahat ng oras. Minsan pa nga sumasama ako sa kanya sa opisina para may makausap siya.

Naging hands-on din ako sa mga gawaing bahay. Nagpaturo ako kay Mama kung paano magluto at mabilis naman akong natuto. Minsan nga binibiro ako ni Mama kung may plano na daw akong mag-asawa. Isang ngiti lang naman ang sinasagot ko.

Hindi ko kasi alam kong ano ba dapat ang isagot ko. Bata pa ako at marami pa akong gustong gawin sa buhay. Bahala na.

Lahat naman ng nangyayare may sapat na dahilan.

Samantala, naisara naman ang kumpanya ng Dad ni Bryle dahil sa patong-patong na kaso ng kumpanya dahilan para makilala muli ang BC bilang kilalang kumpanya.

Patuloy namang umuusad ang kaso ni Ma'am Brenda kasama ang kanyang asawa. Hanggang ngayon nakapiit pa rin sila sa kulungan. Wala ngang plano si Brett at Mama Fiona na iurong ang kaso.

Si Mama Fiona naman simula ng mangyare yun sa amin, naramdaman ko naman ang unti-unti niyang pagbait. Nagiging mahinahon na siya kung makitungo sa akin. Nakakatuwa nga dahil sa tuwing pumupunta si Mama Fiona sa bahay halos mag kavives na sila ni Mama. Minsan nga binibiro kami kong kailan daw namin sila balak bigyan ng apo. Natatawa na lang ako pag yun na ang pinag-uusapan.

Mga nanay talaga.

Si Mila naman, akalain niyo yun! Grumaduate na ang magaling kong kapatid. Sulit ang pinaghirapan ni Mama dahil sa kanyang achievement. Ikaw na talaga Mila!

Dinaig pa nga ako dahil pagkatapos na pagkatapos niyang grumaduate may work na agad siya. Oo! Tama kayo nagwowork na nga siya as office staff sa BC.

Pasalamat siya CEO ang backer niya dahil kung hindi baka magaya siya sa akin na maraming kumpanya ang inaplyan.

Sa ngayon sobrang saya ko dahil sa mga bagay na nangyayare sa aming dalawa ni Brett. Halos araw-araw pinaparamdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal.

Isang halik at yakap niya lang sa akin ay tanggal na agad ang pagkamiss ko sa kanya.

Sa tuwing naiinis o nagagalit naman ako, hindi niya ako sinasabayan bagkos hinahayaan niya lang akong magsalita ng magsalita hanggang sa tumikom ang bibig ko. Syempre sa huli, lambig niya pa rin ang sagot para maging okay kami. Hehe.

Hindi pa rin nawawala sa aming dalawa ang pang-aasaran. Batuhan at kong ano-ano pa.

Alien nga talaga siya!

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon