•••• Tricia's POV ••••
Hindi ko alam, kung tama ba 'tong ginagawa ko. Kung tama bang makialam ako sa kanila.
Alam ko maaari akong mapahamak sa ginagawa ko.
Hays.
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon pupunta sa loob ng company, lumabas kasi ako kanina dahil may kinuha ako sa loob ng sasakyan.
Sobrang busy ko ngayon dahil ang daming inaayos na mga documents.
Malapit na din kasi ang auditing kaya for sure mahahagard na naman ang Lola niyo.
Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko si Sir Bryle kaya naman dali-dali akong nagtago sa likod ng sasakyan at nakasilip sa kanila.
Bigla na naman akong kinabahan.
Hindi ko alam kong sino ang kausap niya at kong ano ang pinag-uusapan nila.
Sa ayos nung lalaking kausap niya masasabi kong professional pero hindi ko siya kilala.
Pinagmamasdan ko lang sila habang nag-uusap.
Ano kayang pinag-usapan nila at ganon na lang kaseryuso sila.
Ngayon ko lang kasi nakita yung lalaking kausap ni Sir Bryle. Maya-maya pa nagulat na lang ako ng may iniabot si Sir Bryle dun sa kausap niya na folder.
Hindi ko alam kong anong folder yun. Kung ano ang laman nun.
Bigla na naman akong kinabahan. Kaba na kay Sir Bryle ko lang nararamdaman.
Hays.
Mayamaya sumakay na yung lalaki sa sasakyan dala dala yung folder na iniabot ni Sir Bryle. Kita ko sa mga ngiti nila ang kakaiba, parang may mali saka tuluyan ng pinatakbo nung lalaki yung sasakyan.
'Yung mga ngiti ni Sir Bryle parang demonyo. ' sabi ko sa isip ko.
Lumingon si Sir Bryle sa paligid kaya naman dali dali akong nagkubli sa likod ng sasakyan na pinagtataguan ko. Malakas ang kutob ko na mayroong mali dito.
Napakamalaking mali.
Nang masigurado ni Sir Bryle na walang tao sa paligid ay agad na siyang naglakad palayo sa parking area at naglakad patungo sa BC building.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil akala ko makikita niya ako.
Bakit ko ba naeencounter ang mga 'to. Ano bang rule ko dito ??
Hays.
Ngayon lang ako naging tsismosa bago lang kasi sa paningin ko yung lalaking kausap niya kaya alam niyo hindi ko maiwasan mag-isip at magduda ng mga kong anu-ano.
Huminga ako ng malalim bago tuluyang naglakad pabalik sa BC. Hindi pa rin mawala sa aking isip ang mga nakita ko.
Malinaw na may mali sa kanila.
Pati tuloy ako nilalamon ng sarili kong kuryusidad. Kuryusidad na maaari kong ipahamak.
Sa ngayon kailangan kong maging maingat.
Pumasok na ako sa loob ng BC building dala dala yung mga files na kinuha ko kanina sa loob ng sasakyan.
Marami akong gagawin ngayon dahil auditing na next week at mag-eencode pa ko ng mga files at report ng company medyo nahihirapan na nga ang Lola niyo eh pero keribels lang.
BINABASA MO ANG
My Boss is a Millionaire (Completed) Under Editing
RomanceHindi ko naman pinangarap na mahulog sa kanya , hindi ko pinangarap na maging bahagi ng buhay nya at hindi ko rin pinangarap na maging future wife ng isang Millionaire ..