Love is the reason kung bakit tayo nagiging masaya at ang Love din ang nag-iisang dahilan kung bakit tayo nalulungkot at nasasaktan.
Tama naman diba ?? Everyone deserves to be happy pero mas maganda at masaya kong yung taong dahilan ng lahat, ay ang taong mahal mo.
Minsan mapapangiti ka na lang. Minsan maiisip mo kong bakit ikaw na ang pinakamaswerteng nilalang sa buong universe kasi deserve mo.
Ang love ay hindi yan nasusukat, ang love parang magic hindi mo alam kong ano ba talaga ang ibig sabihin.
Ang daya diba ?? Pero isa lang ang alam mo, masaya ka pag kasama siya. Yung bang hindi mo alam kong tumatakbo pa ba ang oras pag kayo lang dalawa. Yung bang ang bagal bagal ng oras pag hindi mo siya nakikita.
Hays, lakas makadrama huh, paano ba naman pati sa paniginip ko si Brett ang kasama ko.
Anyway back to reality.
Nasa may kwarto ako ngayon at kasalukuyang nag-aayos sa aking sarili dahil nag-ayang lumabas ngayon si Brett.
Syempre tudo paganda ang Lola niyo, si Brett naman nauna na sa labas at ichecheck niya daw yong sasakyan.
Habang nakatingin ako sa salamin hindi ko maiwasan ang kiligin para tuloy akong teenager sa sobrang excitement.
Napapangiti na lang ako na parang ewan. Kainis talaga si Brett hanggang ngayon patuloy niya pa rin akong pinapakilig at ako naman tudo abot tenga ang ngiti.
Naagaw yung atensyon ko ng biglang tumunog yung phone ko kaya naman itinigil ko muna ang ginagawa ko saka kinuha yung phone sa ibabaw ng higaan namin ni Brett.
Si Mila.
"Oh Mila, napatawag ka ?? " tanong ko.
"Ate Grace, kumusta ka na diyan ?? Si Kuya Brett kumusta na?! Sinuko mo na ba ang Bataan?? " puno ng excitement na sabi ni Mila.
Babaeng 'to kahit kailan ang hypher magsalita.
"Bataan ?? " kunot-noo kong tanong.
"Yung ano------ "
"Mila! " pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa mukha ko dahil sa tinutukoy niyang Bataan. Naalala ko tuloy yung sinabi sa akin ni Tita Cecille.
Babaeng 'to kung anu-ano pang sinasabi.
"Umayos ka nga isa ka pa eh. " sabi ko.
"Ito naman hindi na mabiro, namiss lang kita kaya ganito ako. 'To naman! Ano, kumusta na kayo ?? " paglalambing ni Mila.
Namiss ko tuloy siya.
"Okay naman kami. Kayo diyan kumusta ?? Sa nga pala bat ka napatawag ?? " tanong ko.
Bigla ko namang naramdaman ang pag buntong-hininga niya dahilan upang kabahan ako.
"Kasi ate, may bad news ako sayo. "
BINABASA MO ANG
My Boss is a Millionaire (Completed) Under Editing
RomanceHindi ko naman pinangarap na mahulog sa kanya , hindi ko pinangarap na maging bahagi ng buhay nya at hindi ko rin pinangarap na maging future wife ng isang Millionaire ..