Chapter 12 : One Day before the Announcement

13.2K 215 1
                                    

Sa paglipas ng oras at araw ay hindi ko alintana na sobrang bilis ng mga nangyayare. Gusto kong bumalik sa kung paano nag-umpisa ang lahat. Wala ng atrasan ngayon baka sa susunod na mga araw ikakasal na ako. Sobrang bilis at halos hindi pa rin ako makapaniwala.

Sinisisi ko na ang aking sarili kung bakit pinasok ko ang ganitong setup. Paano na lang kapag malaman 'to nila Mama at Mila na ikakasal na pala ako. Wala silang alam kung anong pinasok ko. Sana lang magtapos ito sa magandang ending.

Tatlong buwan. Tatlong buwan akong magpapanggap na ganito. Magpapanggap na ibant tao, sa kalayuan ni Alexa. Gusto ko ng matapos ang tatlong buwan para matapos na ang kontrata ko sa kanya. Fake marriage! Isang malaking palabas na siya ang writer at direktor. Hindi ko alam kung anong reason niya kung bakit kailangan niyang gawin ang lahat ng 'to! Napakatalino niya! Napakahusay. In fact, pwede ko siyang i-nominate as best actor sa Famas awards. Kakaiba siya. Planadong planado!

Wala akong magawa kundi bumuntong-hininga na lang at i-absorb itong pinasok ko. Ayukong matulad sa mga napapanuod ko na sa huli ay nalalaman din ang ginawang panloloko. Sabi nga nila walang lihim daw na hindi nabubunyag. Naniniwala ako roon.

Isang araw bago ang announcement na magaganap sa isang sikat na hotel nila ay doble ang kabang nararamdaman ko. Iniisip ko pa lang ay sobra akong hindi mapalagay lalo na siguro sa araw ng announcement. Alam kong mga kilalang tao at mayayamang negosyante ang pupunta sa pagtitipon.

Huminga ako ng malalim bago bumaba ng taxt. Magkikita kasi kami ngayon ni Brett. Nakahoodie pa ako at sumbrero upang walang makakilala sa akin. Mabilis ang mga hakbang ko, nakayuko at naglalakad patungo sa parking area kung saan siya naroon. Malayo ang lugar na ito sa kumpanya kaya kailangan maingat ang mga galaw ko. Para nga akong gangster sa suot ko. Hindi rin ako komportable sa ganitong suot. Si Brett kasi ganito ang pinasuot sa akin para daw walang makakilala sa akin.

Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad ko. Masyado na akong late kaya panigurado akong humahaba na naman ang sungay niya. Mainipin pa naman siya! Sa sobrang pagmamadali ko ay bigla na lang akong nabunggo sa kung sinong nilalang. Napahawak pa ako sa suot kong sumbrero dahil baka malaglag. Mamukhaan niya pa ako.

"Hey are you okay?"

Dahan dahan akong tumingin sa kanya.

Gulp! Gulp!

Kinain na ako ng aking kahinaan. Nakatitig ako sa gwapong mukha niya at halos nastatwa ako sa aking kinatatayuan. Sino ba naman ang hindi mapapanganga sa isang gaya niya. Maputi, matangkad, matangos ang ilong, singkit. Agaw pansin din ang kanyang blonde na buhok. Idagdag pa ang pawisan niyang katawan. Heaven!!

"Miss?" sabi niya ulit at doon lang ako natauhan. Napakurap pa ako na parang ewan. "You okay?"

"Y-yah! Thank you." ang saad ko habang inaalalayan niya akong makatayo.

"Sorry is not my intention. Umiwas ako kaya lang huli na." sabi niya.

"Hindi! Ako nga ang dapat mag sorry. Hindi kasi ako tumitingin sa daan. Sorry ha." ang paghingi ko ng paumanhin. Bigla siyang ngumiti dahilan para magwala na naman ang aking kalamnan. Jusmiyo!

Nagkatitigan pa kami habang nakaguhit pa din ang kanyang mga ngiti.

"Kailangan ko ng umaalis. Sige ha. Sorry ulit." ang paalam ko. Mabilis akong naglakad. Nagsalita pa nga siya kaya lang di ko na pinansin at naglakad na ako ng mabilis.

Jusmiyo! Kapag may nabubunggo ako sa gwapo talaga!? Ganon ba kabait si lord sa akin at puro gwapo ang pinapabunggo niya sa akin? Hehe.

Sayang lang at hindi ko nakuha ang pangalan niya o di kaya number. Ano ba 'tong pinag-iisip ko. Sa dami ng iniisip ko naisingit ko pa talaga ang kilig kilig na 'yan!

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon