Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ko iyon. Nagawa kong mahusay ang pagpapanggap sa harap ng kanyang mother. Convincing ang naging kilos ko kanina. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para magmukhang kapanipaniwala.
Hindi rin mawala sa isip ko ang huling sinabi nito na kailangan naming makasal sa lalong madaling panahon. Ako yung naiipit dito! Magpapakasal talaga? Agad agad?
Hays.
Gusto kong magsalita ng oras na iyon kaya lang ay naunahan ako ng takot. Walang dahilan para hindi kami makasal.
Panay ang buntong hininga ko habang pabalik balik ang aking tingin sa kanya. Abala siya sa pagmamaneho at seryusong nakatingin sa harapan.
“Okay ka lang ba?” ang tanong ko pero parang hindi niya iyon narinig. Bingi!?
Suplado niya ngayon samantalang kanina akala mo kung sinong santo kung umakting. Tss!
“Pwede ba umayos ka!” ang iritang sabi niya sa akin.
"Yung sungay mo lumalabas na naman." ang mahinang sabi ko pero pinaikotan niya lang ako ng kanyang mata.
"Tss!"
"Okay fine." saad ko.
Hays. Ayan na naman po siya. Natahimik na lamang ako. Kung ayaw niya ng kausap di na ako namimilit.
Iniwas ko yung tingin ko sa kanya at tumingin ako ng deretso. Bahala siya baka masira pa ang makeup ko kong sasabayan ko pa siya. Inisip ko na lang kung ano ang mga susunod na hakbang na gagawin niya. Ayaw naman kasi niyang sabihin.
Muli akong napabuntong-hininga at pasimpleng sinulyapan siya. Hindi ba siya magsasalita? Sobrang tahimik sa loob ng sasaktan na parang nakakabingi sa pandinig ko Gusto ko sanang magsalita kaya lang inunahan naman ako ng kaba.
Hays.
Huminga ako ng malalim at akma na sana akong magsasalita ng bigla naman siyang nagsalita.
"Thank you." walang emosyonal niyang sabi.
"Thank you? Para saan?"
"You did it well. Sobra akong kinabahan kanina, akala ko hindi mo magagawa ng maayos."
"Ginagawa ko lang ang trabaho ko kaya wala kang dapat na ipagpasalamat sa akin. I did my job dahil yun ang dapat." ang tugon ko.
"Exactly. Mukhang na impress naman si Mom sa ginawa mo."
"Diba sabi mo nga kailangan kong ilugar ang sarili ko at umakto na ako si Alexa. Who is Alexa by the way? An Ex? Friend? What?" sabi ko habang nakatingin sa kanya.
“She's a only character.”
“Okay. Nice.” Ang talino mo! “So anong plano? Don't tell me magpapakasal tayo? Come on! Masyado pa akong bata para sa kasal na yan and beside hindi ikaw ang tipo ng lalaki na pakakasalan ko.” deretsong sabi ko tapos umismid siya ng tawa.
“Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? To clarify hindi rin kita type!” ang nakakalokong sabi niya.
Napairap na lang ako sa hangin dahil sa pagiging mayabang niya.
“Kung wala na tayong choice magpapakasal tayo!”
“Really? Di ba magaling kang director!? Bakit hindi mo baguhin ang kwento mo!? Diba I'm just a character of your fucking story. You have the rights, to revise or palitan ang kwento!” ang inis kong paliwanag sa kanya.
No way! Hindi ako papayag sa gusto niyang mangyare.
Tumingin siya sa akin ng malalim.
“We're in trouble! Kakausapin ko si Mom tungkol sa kasal. Don't worry everyting is under control.” ang tugon niya sa akin.
BINABASA MO ANG
My Boss is a Millionaire (Completed) Under Editing
RomanceHindi ko naman pinangarap na mahulog sa kanya , hindi ko pinangarap na maging bahagi ng buhay nya at hindi ko rin pinangarap na maging future wife ng isang Millionaire ..