Lalong tumatagal nagiging close na kami sa isat isa yong bang nagagawa na nyang mag open ng mga secrets niya dati naman hindi naman siya ganyan dati nga ni hindi niya ko pinapansin pero tingnan mo nga naman ngayon halos lahat sinasabi niya, yong tungkol sa business problem niya saka minsan naiinis siya sa kin kapag hindi ako sumasabay sa pagkain. Alam mo yon ang dami ng nag bago mga bagay na hindi naman niya ginagawa sa kin dati.
Minsan nga iniisip ko kong ano bang nararamdaman niya para sa kin dahil sa totoo lang kahit ako iba na ang nararamdaman ko di gaya ng dati pero ngayon everything will change ang hirap intindihin. Dati naman hindi ako nalulungkot pag mag isa lang sa bahay pero ngayon pag wala siya bigla na lang ako nalulungkot at hinahanap siya. Hays masyado na nga sigurong malapit kami sa isat isa pero ang hindi ko maintindihan kong bakit pinipilit ko ang hindi naman dapat.
Hays lakas maka hugot ngayon paano ba naman umuulan kong san nasa mall ako ngayon saka pa umulan. May binili lang ako sa mall kaya nandito ako ngayon. Pauwi na din ako nakaka bored kasi mag gala mag isa. Si Tricia nasa loob ng sasakyan, yes nag pasama ako sa kanya baka kasi pag ako lang mag isa ang lumabas for sure magiging alien na naman si Brett mabuti na yong may kasama.
Sumakay na ko sa sasakyan kasabay ng pagsakay ko ang siya namang lakas ng ulan.
"May bagyo ba ?? " sabi ko
"Wala naman Ms. Alexa sadyang maulan talaga pag ganitong buwan. " Tricia
"Ganon ba " sabi ko
Sumandal na lang ako sa upuan at nag umpisa ng mag maneho yong driver. Habang nasa gitna kami ng byahe hindi ko mapigilan ang mag isip ng kong ano ano lalong lalo na kay Brett , I know may pinag dadaanan ngayon si Brett sa company nila for sure masama na naman ang loob non pag uwi.
Bumuntong hininga na lang at saglit na nag isip.
"Tricia pwede ba ako mag tanong ?? " sabi ko
"Yes Ms. Alexa " Tricia
"Pwede mo bang sabihin sa kin kong ano ang nangyayare sa BC ?? Lagi ko na lang kasi napapansin si Brett na ang lalim ng iniisip niya " tumingin ako sa kanya "Don't worry hindi ko sasabihin na ikaw ang nagsabi " sabi ko
Huminga siya ng malalim at parang nag iisip kong sasabihin niya ba sa kin o hindi.
"Hindi kasi naging maganda ang performance ni Sir Brett sa company at karamihan sa mga board gustong mag nominate ng bagong CEO " Tricia
"Yon ba yong dahilan kaya nag kakaganon si Brett ?? " sabi ko
"Maybe , mahirap para kay Sir Brett yong decision dahil halos si Sir Brett na ang nag papatakbo for many years kaya ganon na lang siya nalulungkot " Tricia
Kaya pala ganon na lang si Brett na affected dahil sa mahirap naman yon tanggapin.
"Wala na bang pwedeng gawin para hindi mapalitan si Brett ?? " sabi ko
"Malaki pa naman ang chance na hindi siya mapalitan dahil si Sir Bryle wala pang alam kong paano mag patakbo ng malaking company unless pilitin siya ni Mam Brenda " Tricia
"Sino naman si Brenda ?? " sabi ko
"Siya ang mommy ni Sir Bryle at isa din sa mga board kaya ganon na lang ka desperate si Mam Brenda " Tricia
Hindi na lang ako kumibo. Iniwas ko na lang ang tingin sa kanya saka ako nag isip ng kong ano ano. Nalulungkot ako kay Brett alam ko kailangan niya ako ngayon dahil sa mga bagay na pinag dadaanan niya at alam niya na ako lang ang makakatulong sa kanya.
Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa bahay kaya naman bumaba na ko. Nag pahatid ako kay Tricia sa loob dahil sa umuulan pa rin.
"Thank you Tricia " sabi ko
BINABASA MO ANG
My Boss is a Millionaire (Completed) Under Editing
Roman d'amourHindi ko naman pinangarap na mahulog sa kanya , hindi ko pinangarap na maging bahagi ng buhay nya at hindi ko rin pinangarap na maging future wife ng isang Millionaire ..