Masyado na kong maraming nagagawa , mga bagay na hindi ko gustong mangyare pero wala eh , tama nga sila na kapag gipit ang isang tao lahat gagawin para lang mag kapera at isa ako don , alam niyo naman siguro kong ano ang pinag daanan ko kaya ko lang naman tinanggap tong kalukuhan na to dahil kay Brett , alam niyo naman na kapag tumanggi ako ilalagay niya ko sa blacklist na hindi pwedeng mag trabaho kaya nga grinab ko na lang ang offer na to , ang offer na sa simula pa lang alam ko ng mali.
At habang tumatagal kami sa ganitong sitwasyon , marami akong natutunan sa kanya , mga bagay na akala ko hindi siya , lalo na sa ugali niya , yong mga ayaw at gusto niya lahat yon nalaman ko sa kanya kaya nga nakakagalaw na ko ng maayos kapag kasama siya , yong bang pag mainis siya hindi ko na lang papansinin , pero gaya nga ng sabi niya hindi ako pwedeng mag kagusto sa kaya dahil daw kahit sa panaginip hindi daw mangyayare.
At ang malupit pa sa lahat na kahit minsan hindi ko inisip at hindi pa ko handa makasal kahit kunwari lang ang lahat , ang kinakatakot ko lang pag dumating yong point na malaman ng parents ko, kong ano ang pinag gagawa ko , hindi ko talaga alam kong paano ko sa kanila ipapaliwanag ang lahat.
Hays
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah " Brett
Nagulat ako ng mag salita siya.
Tumingin ako sa kanya.
"Wala ka na don at isa pa anong paki mo kong nag iisip ako ,bawal na ba ?? " sabi ko
Iniwas niya ang tingin sa kin sabay sabi
"Weird " Brett
Yan ang lagi nyang sinasabi sa kin , favorite lines niya lang naman yan tsss
Mag kasama kasi kami ngayon , nasa sasakyan kami at hindi ko alam kong san kami pupunta , paano ba naman pa bigla bigla na lang nag tetext sa kin , syempre wala naman akong choice kong hindi ang sundin siya.
"Bat mo ba ako tinawagan ?? At isa pa san ba tayo pupunta ?? " sabi ko
"Wag kang maarte. Buti nga may tumatawag sayo " Brett
"Kapal ha " sabi ko
Tiningnan niya ko
"You want to know ?? " Brett
"Kaya nga tinatanong ko diba ?? So it means gusto kong malaman " sabi ko
Umiling iling siya sabay sabing
"Weird " Brett
Kaya naman hindi na ko nakapag pigil sa pag sasabi niya ng Weird
"Pwede ba wag mo kong sabihan ng weird , TSS mukha ba akong weird " sabi ko
"You know what , nakakatawa ka talaga , the way you talk tapos yong expression mo. Sounds like weird HAHA " Brett
Grabe talaga siya , siya nga tong weird , bigla bigla na lang Tarawa tapos mag susungit , tapos ako pa talaga ang weird ?? Kakaluka.
"Actually wala rin akong idea -----" Brett
"So you mean mag sasayang lang ako ng oras para lang sa walang kwentang kalukuhan na to ?? Eh di sana nag laba na lang ako hindi yong ganito " sabi ko
"Tapos ka na ?? " hays iniwas ko yong tingin ko sa kanya "Masyado kang G na G, hindi pa ko tapos mag salita kong ano ano na yang lumalabas sa bibig mo , actually si Mama ang nag patawag sa tin , kailangan daw nating pumunta at may ipapakita daw siya sa tin "Brett
"At ano yon ?? " sabi ko
Tumingin siya sa kin.
"Hindi ko nga alam diba ?? So it means wala akong idea " Brett
BINABASA MO ANG
My Boss is a Millionaire (Completed) Under Editing
RomanceHindi ko naman pinangarap na mahulog sa kanya , hindi ko pinangarap na maging bahagi ng buhay nya at hindi ko rin pinangarap na maging future wife ng isang Millionaire ..