Chapter 18 : The Fake Married

11.8K 222 2
                                    

Isang linggo ang lumipas at isang linggo na din na hindi kami nagkikita ng alien na yon, okay na din yon at least hindi ako naiinis pero akala ko lang pala , akala ko kasi hindi ko siya mamimiss pero anak naman ng tokwa sa dami ng pwede kong maisip siya pa talaga , lintik na yan oh , ang layo layo na nga sa kin tapos siya pa din ang iniisip ko leechee ka talaga Brett.

Baka isipin nong alien na yon na namimiss ko siya TSS wag na lang nating pag usapan. Actually madami ng nangyare sa loob ng isang linggo kahit na hindi ko siya kasama. Si Tricia kasi yong lagi kong nakakasama kahit san kami pumupunta. To be honest akala ko magiging madali ang buhay ko pag wala si Brett pero tingnan niyo nga naman oh , magugulat na lang ako isang araw na kailangan kong pumunta sa ganyan , sa ganito dahil importante at ako naman si tanga sunod ng sunod, sa totoo lang napapagod na ko sa lintik na pagpapanggap na to. Pero wala akong karapatan na mag reklamo.

At ito na nga ang inaantay ng lahat , ang inaabangan at mangyayare ngayon taon sa pamilya ng mga Calvien, juice colored ito na nga ba eh. Ito na talaga at wala na kong magagawa , ilang araw ko rin inisip ang bagay na to , iniisip ko kong ano ang mangyayare , kong magiging okay lang ba ang lahat. At sa araw na to ngayon ulit kami mag kikita ni Brett. Nakakatawa diba ?? Sa bagay wala naman kinalaman sa wedding thingy na yan , diba nga si Tita Fiona ang nag set ng wedding na to. Syempre as part of my job kailangan kong pumunta, alam niyo naman kong ano tong pinasok ko.

Huminga ako ng malalim saka ako sumakay sa service car ko , actually church wedding ang magaganap ngayon , nakakatawa ngang isipin na ni minsan hindi ko pinangarap na makasal ako agad pero tingnan mo nga naman oh ikakasal na ko sa alien na yon, Oops , kunwari lang pala , masyado naman akong assuming.

Habang nasa loob ako ng sasakyan, ramdam ko na ang kaba kasi naman eh , hindi man lang siya tumawag sa kin este bat ko ba iniisip yon , what I mean ni hindi man lang ako kinumusta kong okay lang ba ako para sa araw na to , grabe talaga siya ni hindi man lang ako ginuide parang sinabi niya na bahala ka sa sarili mo , eh kong hindi na lang kaya ako sumipot sa kasal na yan and beside wala naman akong pake sa kanya tsss.

Anyway back to reality.

Hanggang ngayon tila lumalakas ang kaba na nararamdaman ko , alam ko naman kasi na in the first place mali talaga ang ginagawa ko , pero wala eh, kailangan kong gawin to dahil kahit paano malaki ang naitutulong ng bagay na to , at isa pa three months lang naman to kaya hindi na ko mag iinarte bahala na talaga kong ano ang mangyare sa future este sa huli.

•••• BRETT POV ••••

Today is our wedding. Of course kailangan kong ipakita na excited ako sa harap na to, gusto ko maging makatutuhanan ang lahat para sa wedding na to. Im excited dahil in just a month makukuha ko na din ang mana ko. After that matatapos na din ang contract. Alam niyo naman na planado ang lahat ng mga mangyayare , kahit yong wedding , akala ni Mama totoo lang ang lahat pero ang totoo kahit isa walang totoo sa mga nangyayare.

Bumaba ako mula sa isa sa pinakamahal na sasakyan ko , ang araw na to ang pinakahihintay ng lahat, ikakasal na ang isang Brett Calvien, lahat ng family relatives , business partner at investor lahat sila invited sa araw na to , alam niyo naman kong gaano ka powerful ang clan ng family namin.

Malayo pa lang nakita ko na si Mom gaya ng dati busy na naman siya sa mga kaibigan nyang negusyante , hindi na ko nasanay.

"Iho " Mom

"Hi Ma " sabi ko sabay beso

Ganon din ang ginawa ko sa mga kasama niya , gaya nga ng nasabi ko most of the guest in our wedding is mga ka business namin.

"You are very handsome sa suot mo Brett " Mom ask

Ngumiti ako

"I know Ma " sabi ko

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon