Chapter 61 : New Life

6.9K 109 2
                                    

"Grace ?? Matagal ka pa ba ?? Malilate na tayo. " sabi ni Brett mula sa labas ng kwarto ko.

"Patapos na ko. " sabat ko saka nagsuot ng hikaw habang nakaharap sa salamin.

Aalis kasi kami ngayon. Diba nga gustong makipagkita ni Mama Fiona sa amin.

Hindi ko nga alam kong anong dahilan at gusto niyang makipagkita sa amin. And beside lagi namang pumupunta si Mama Fiona sa bahay.

Hays.

Ngumiti ako sa harap ng salamin ng masiguro kong okay na ako.

Simpleng kasuotan mula sa simpleng kagaya ko.

Naalala ko tuloy yung major expression ni Brett pag nag-aayos ako sa aking sarili. Yung tinging inis na inis at asar na asar sa akin.

Kinuha ko na yung sling bag na nasa ibabaw ng higaan namin ni Brett bago ako naglakad palabas ng kwarto ko pero napahinto ako ng makita ko si Brett.

"Oh! Bat nandiyan ka. " tanong ko.

Tiningnan niya ako ng isang seryusong tingin bago niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa.

"Bat ganyan ka makatingin ?? " pang-aasar ko.

"Masama na bang tingnan kita ?? " seryusong sabi niya na siyang dahilan para pumintig ng malakas ang aking puso.

"Ahh ------ Eh----- "

"Let's go. Malilate na tayo. " saka siya nag-umpisang humakbang palabas ng bahay.

Habang ako natulala na naman dahil sobrang bagal mag function ng makitid kong utak.

Mabilis naman akong sumunod sa kanya sakto naman ang paglabas ni Mama mula sa kusina.

"Ma, alis na ho kami ni Brett. Malilate na kasi kami. " paalam ko kay Mama.

"O siya sige. Mag-iingat kayo. Ikumusta mo na lang ako kay kumare. "

"Kumare ?? " taas-noong sabi ko dahil sa gulat.

"Hay naku Ate, nahahawa na yan si Mudrabels sa kapapanuod ng Korean movies. " singit naman ng magaling kong kapatid na nakaupo sa may sofa habang nagpipindot sa kanyang cellphone.

"At bat nandito ka pa ?? " mataray kong sabi.

Inirapan naman ako ng intrimitidang kapatid ko.

"Sige na, lumakad na kayo Grace, baka maipit pa kayo sa traffic. " singit ni Mama.

"Sige ho Ma. Hoy Mila ikaw na munang bahala kay Mama. Alis na kami. " paalam ko sa kanila saka ako naglakad ng mabilis palabas ng bahay.

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon