••• Grace POV •••
Naramdaman ko ang kirot sa aking katawan at kasunod nun ang pagdilat ko ng aking mga mata.
Sobrang dilim ng paligid at wala akong makitang kahit ano.
Naramdaman ko ang pagbilis ng kaba ko. Takot ako sa dilim.
Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas na kahit anong salita sa aking bibig dahil sa busal na nakalagay dito. Sinubukan ko ding igalaw ang aking mga kamay at paa pero hindi ko magawa.
Ramdam ko ang sobrang higpit ng pagkakatali sa mga ito.
"Nasaan ba ako ?! " ang paulit-ulit kong tanong sa aking isipan.
Hindi ko matandaan kong paano ako nakarating sa kinalalagyan ko basta ang huling natatandaan ko ay tinakpan ni Bryle ang aking bibig gamit ang isang panyo na may hindi kanais-nais na amoy na siyang dahilan upang mawalan ako ng malay.
Walang tigil sa pagkabog ang aking dibdib dahil sa sobrang takot. Idagdag pa ang napakainit na bumabalot sa dilim.
Muli kong sinubukang kumilos pero sadyang ang hirap gumalaw.
Kailangan kong makatakas dito panigurado ako lubos na nag-aalala na sila Mama at Mila lalong-lalo na si Brett.
Ang tigas kasi ng ulo ko. Kung hindi na sana ako nagpumilit kay Brett na sumama hindi na sana ito mangyayare.
Dumagdag pa ako sa poproblemahin ni Brett.
Isang nakakasilaw na liwanag ang tumama sa aking mga mata dahilan para mapapikit ako at sa pagdilat ko....
Isang nakakatakot na nilalang ang nakita ko.
Si Bryle.
Iginala ko ang aking paningin sa napakaliit na kwartong ito at nagulat ako ng makita ko si Tita Fiona.
Katulad ko ay nakatali din ang mga kamay at paa niya at may busal din sa kanyang bibig habang nakasalampak sa sahig kagaya ko.
Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko alam kong paano dahil kahit ang sarili ko hindi ko magawang tulungan.
Ibinalik ko ang aking tingin sa demonyong nasa harapan ko kasama ang dalawang lalaking nasa gawing likuran niya.
"Kumusta ?? Hindi ba ninyo namiss ang isat-isa ?? " nakakalukong sabi niya.
Anong klaseng nilalang ba si Bryle dahil hindi man lang magawang maawa sa amin o kay Tita Fiona man lang dahil kadugo niya ito.
Ganito nga siguro ang nagagawa ng pagiging sakim sa kayamanan. Nakakabaliw!
"Wait! Baka isipin niyo ang unfair ko. Bibigyan ko kayo ng pagkakataon na makapagsalita. " dagdag pa niya saka siya tumingin sa dalawang lalaking nasa likuran niya.
Isang senyales ang ipinarating ni Bryle sa pamamagitan ng kanyang nakakatakot na mga tingin.
Agad namang naglakad ang dalawang lalake sa bawat isa sa amin saka tinanggal ang tape na nasa bibig namin.
Pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag pero hindi ko pa rin maiwawaksi ang takot sa aking dibdib.
"Bryle pakawalan mo na kami! Itigil mo na 'to! " narinig kong sabi ni Tita Fiona.
"Pakawalan mo na kami! A-ano bang kasalanan ko sayo! Itigil mo na 'to! " nanginginig kong sabi habang nakatingin sa nakakatakot na nilalang na nasa harapan ko.
BINABASA MO ANG
My Boss is a Millionaire (Completed) Under Editing
RomanceHindi ko naman pinangarap na mahulog sa kanya , hindi ko pinangarap na maging bahagi ng buhay nya at hindi ko rin pinangarap na maging future wife ng isang Millionaire ..