••• Grace POV •••
Walang mapagsidlan ng tuwa ang nararamdaman ko ngayon at sobra akong nagpapasalamat sa diyos at sa lahat ng nagdasal at gumabay sa mga hiling ko. Ako na siguro ang pinakamasaya ngayon dahil okay na si Mama.
Nakarekober na siya dahil sa mga gamot na iniinom niya. Kung tutuusin hindi namin afford bumili ng ganong kamahal na gamot dahil hindi naman namin kaya. Sobra talaga akong nagpapasalamat sa taong tumulong sa amin.
Tatlong araw ang lumipas simula nung operasyon ni Mama kaya nakauwi na rin kami sa bahay. Gaya ng dati parang bumalik lahat ng masasayang araw ko dito sa bahay kasama sila.
Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil sa kakaibang nararamdaman ko. Buo na ulit kaming mag-iina.
Marami akong alaala sa bahay namin. Yung mga bagay na minsan nagpaiyak at nagpahina sa amin. Lahat yun naaalala ko.
Nilapag ni Mila yung mga gamit sa may sofa habang ako inalalayan ko si Mama na makaupo samantalang si Brett nagpaiwan sa labas dahil magpapahangin daw siya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may mali sa kanya parang ang lalim na naman ng iniisip ng alien na yun.
"Ma, wag masyadong magkikilos ha baka kung mapano ka. Mahirap na. " sabi ni Mila. Natawa na lang ako dahil sa major concern ng kapatid ko. Ginawa pang bata si Mama.
"Ma, gusto niyo bang kumain ?? Baka nagugutom na kayo ?? " ako naman yung umepal.
"Ate naman kakakain pa lang natin kanina. Gusto mo bang maimpatso si Mama. " pagtatanggol ni Mila.
Natahimik na lang ako. Ang gulo din kasi nitong kapatid ko kanina lang parang kuntrabida kong makapagsalita tapos ngayon change mode ang peg ??
Namiss ko din ang kakulitan ng kapatid ko.
"Ayan Ma, baka naman makalimutan mo yung bilin sayo ng doctor na wag munang maggagalaw dito sa bahay. Ikaw pa naman laging gustong may ginagawa. " pagsesermon niya kay Mama.
Naluluka na ako sa kapatid ko. Ang hirap intindihin eh. Mas lalo pa yatang lumuwag ang turnilyo niya. Nakangiti na lang si Mila ng tingnan ko siya kaya napailing na lang ako saka siya naupo sa tabi nito.
"Kayo talaga ginagawa niyo naman akong bata. Kaya ko naman eh, kaya ko pang kumilos kayo talaga." pagbibiro ni Mama.
Halos ganon yung expression sa paligid. Masaya.
Lumapit ako kay Mama saka ko siya inakbayan bali napapagitnaan naming magkapatid si Mama.
"Ma wag na munang matigas ang ulo, gusto niyo ba na mag-alala ulit kami sayo ?" Alalang Sabi ko.
"Oo nga Ma. Hayaan niyo muna kaming kumilos ni Ate dito. " dagdag naman ng magaling kong kapatid.
BINABASA MO ANG
My Boss is a Millionaire (Completed) Under Editing
RomanceHindi ko naman pinangarap na mahulog sa kanya , hindi ko pinangarap na maging bahagi ng buhay nya at hindi ko rin pinangarap na maging future wife ng isang Millionaire ..