Chapter 2 : His Offer

33.8K 535 9
                                    

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ang lalaking nasampal ko ay ang lalaking magiging Boss ko.

Ano ng gagawin ko ??

Naguguluhan pa rin talaga ako kung anong gagawin ko. Ang tanga ko naman kasi! Bigla-bigla na lang akong nanampal.

Hays.

Hindi tuloy ako makapagdecide kung tatanggapin ko ba yung posisyon na maging secretary niya. Nahihiya kasi ako lalo na at nasampal ko lang naman siya diba ??

Nagawa ko lang naman yun dahil sumusubra na siya kaya hindi ako nakapagpigil at nagawa ko yun.

Hindi ko na lang kaya tanggapin ang posisyon na inaalok ng lalaking yun. Pero sayang naman pag hindi ko tinanggap yun.

Maganda ang records ng BC sa buong bansa at kinikilala ito dahil sa mataas na standards na meron sila.

Please help me guys!

Sunod-sunod na buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakaupo sa may sofa. Nakabukas yung TV pero hindi naman ako nanunuod dahil abala ang aking utak sa paglalakbay.

Ano ba talaga ang gagawin ko ?? Pupunta o Hindi ??

Hays. Sayang naman kasi kung palalampasin ko yung opportunity. Ang hirap hirap pa naman makahanap ng work ngayon lalo na at fresh graduate ako. 

Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang lumabas ang magaling kong kapatid mula sa kanyang kwarto.

"Hindi ka pa ba pupunta ?? Sayang naman yung opportunity.  Grab the chance na sisteret. " sabi ni Mila na nagboses bading pa.

Si Mila ang nag-iisang kapatid ko. Siya lang naman ang nag-iisang tao na nasasabihan ko ng lahat, sa mga ups and down ko lalong lalo na yung pagiging frustrated ko sa paghahanap ng work hanggang sa offer sa akin nung Brett na yun.

Siya din ang bestfriend ko at partners in crime. Sa mga kalukuhan at kabaliwan sa buhay. Ewan ko ba diyan lakas ng saltik ng isang 'to.

Agad siyang lumapit sa akin at naupo sa tabi ko.

"Naguguluhan pa rin ako eh. Para kasing nag-dadalawang isip pa ako. Hays. Wag ko na lang kaya tanggapin yung posisyon !?
" sabi ko tapos kumunot naman ang noo niya.

"Ano ka ba sisteret diba pangarap mong makapagwork diyan. So what are you waiting for ?? Gorabels na. " sabi pa niya na kulang na lang matawa ako dahil sa ginagawa niya.

"Eh kasi---- "

"Kasi ano ?? Siguro iniisip mo pa rin yung ginawa mo sa kanya. Ano ka ba sisteret, move on na! Tapos na yun and beside hindi mo naman alam na siya yun. Helloo!? Kasalanan mo ba kung bakit nagawa mo yun! " sabay pandilat niya ng mata.

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon