Sa dami at bigat ng pinagdadaanan mo mas makakatulong ng sobra yung mga taong alam mong matutulungan ka.Yung bang nariyan pag kailangan mo ng tulong.
Yung pakikinggan lahat ng sinasabi mo.
Yung bang kahit ang hirap hirap ng sitwasyon pero pilit pa ring iintindihin.
Yung bang kahit na malayo ka pupuntahan ka niya para lang may masabihan ka.
Yung bang concern sayo.
Meron pa bang ganon ??
Hays.
Napakadaya talaga ng buhay ng isang tao.
Kagaya sa nangyayare sa buhay ko ngayon.
Nakakalungkot lalo na kay Mama. Alam ko na makakayanan niya lahat ng 'to.
Ayukong mawalan siya ng pag-asa dahil lang sa sakit na iyon. Gusto kong ipakita sa kanya kung paano maging matatag lalo na sa pinagdadaanan niya ngayon.
Umaasa pa rin ako na malalagpasan namin ang lahat ng 'to.
Ang sabi ng doctor malaki pa ang posibilidad na gumaling siya dahil hindi pa naman ganon kalala eh.
Kailangan lang namin ipakita sa kanya na nandito kami, na hindi siya nag-iisa sa laban niya.
Ayukong mawala siya sa amin ni Mila.
Siya na lang ang nag-iisang bagay na meron kami.
Dinala ako ng aking mga paa sa isang napakatahimik na lugar.
Hindi ko alam ko kung anong ginagawa ko dito. Ngayon lang ulit ako lalapit sa kanya sa pagkakataon na 'to, na kailangan ko ng tulong sa itaas.
Tahimik akong naupo at pinagmasdan ang kanyang image. Dahan dahan akong lumuhod saka ipinikit ang mga mata ko.
"Lord, alam kong hindi na ako nakakaalala sa inyo. Marami na din akong nagawang kasalanan sa inyo lalo na kay Mama. Pero sa pagkakataon na 'to gusto kung humingi ng tulong sa inyo. Pagalingin niyo po si Mama. Naway wag niyo muna siyang kunin sa amin ni Mila. Kailangan pa namin si Mama. "
Naramdaman ko ang pagbagsak ng mga luha sa aking mata at kasunod nun ang paggunita ko sa mga masasayang nangyare sa buhay namin ni Mama.
Yung pagiging supportive niya sa amin ni Mila. Yung pagiging bestfriend niya sa aming magkapatid. Yung tudo sermon niya na nagiging dahilan ng tawanan namin.
Tapos ngayon nasa malubhang kalagayan ang buhay ni Mama.
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko saka pinahid ang luha sa aking pisngi.
Inipon ko ang lahat ng natitirang lakas ko saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
'Kayo na po sana ang bahala sa kanya. '
BINABASA MO ANG
My Boss is a Millionaire (Completed) Under Editing
RomanceHindi ko naman pinangarap na mahulog sa kanya , hindi ko pinangarap na maging bahagi ng buhay nya at hindi ko rin pinangarap na maging future wife ng isang Millionaire ..