••• Grace POV •••
Minsan last choice mo na lang talaga ang pumatay. Pumatay para walang makaalam ng mga lihim na tinatago mo. Lihim na pinakaiingat-ingatan mo.
Bakit kaya may mga taong ganon ??
Baka kung iniisip niyo may ginawa na kong ganyan! Wag kayong ano diyan.
Nakakabwesit lang kasi yung binabasa ko about murder. Kaaga-aga eh.
Ganon pa rin ang sitwasyon, abala pa rin si Brett sa mga gagawing hakbang para sa muli niyang pagbabalik sa BC. Si Tita Fiona naman sa ngayon hindi pa rin nakakausap ni Brett.
Sobra ng nag-aalala si Brett kay Tita Fiona. Sana ligtas siya.
Derederetso akong pumasok sa loob ng kusina at nadatnan ko si Brett na nagtitimpla ng kape.
"Natawagan mo na ba si Tricia ?? " tanong ko.
Kahapon kasi tumawag si Tricia. Eh hindi naman maintindihan ni Brett kung anong sinasabi ni Tricia dahil mahina ang signal kahapon. Lintik kasi yung APEC pati signal ang hina hina.
"Hindi pa rin eh. Nakapatay na yung phone niya. Nag-aalala na nga ako baka kung may nangyareng hindi maganda sa kanya. "
"I'm sure okay lang si Tricia. Siguro lowbat lang siya o di kaya nakapatay yung phone niya. " pagpapagaan ko ng sitwasyon.
"Kinakabahan talaga ako Grace. "
"Mabuti pa dun na lang tayo sa sala mag-usap. Sumunod ka na lang pagkatapos mong magtimpla ng kape. Less sugar lang sa akin. " pag-iiba ko ng usapan saka ko siya nginitian.
Tiningnan naman niya ako ng kakaiba na parang sinasabi niya na 'ang weird ko na naman!'
"O! Bat nakakunot na naman yang noo mo ?! " dagdag ko pa habang nakangiti pa rin ako kaya sa huli napangiti na lang din siya.
"Yes my Boss! " natatawa niyang sabi saka tinimplahan yung kape.
Lumabas na din ako ng kusina at dumeretso sa may sala kung saan busy ang TV namin sa kakasalita.
Nadatnan ko sa sala si Mila na abala sa kakakulikot sa laptop niya. Hindi ko na siya inistorbo kaya sumalampak na ako sa upuan.
Iniwan ko si Brett sa kusina dahil magpapalaman pa daw siya ng pandesal.
Sweet diba ?? Hehe.
Dahil wala akong makausap at hindi rin ako interesado na manuod ng TV kaya kinuha ko na lang yung phone ko saka nag surf sa internet.
BINABASA MO ANG
My Boss is a Millionaire (Completed) Under Editing
RomanceHindi ko naman pinangarap na mahulog sa kanya , hindi ko pinangarap na maging bahagi ng buhay nya at hindi ko rin pinangarap na maging future wife ng isang Millionaire ..