Casanova's Diary

476 8 3
                                    

May kasabihan na "sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy"

Akala ko dati totoong prusisyon ang ibig sabihin noon, pero hindi pala, kundi pagkahaba-habang pagsubok sa pagmamahalan ninyo ng mahal mo.

And I am one of those people na nakaranas ng pagsubok na iyon.

Una, hinadlangan kami ng mga magulang namin, second pinaglayo kami ng kasinungalingan at katotohanan, and next pinaghiwalay kami ng trahedya.

Dumating ako sa puntong halos napagod na ako, pero pag naiisip ko kung gaano ko siya kamahal hindi ako makabitaw.
Pilit akong lumalaban kahit mismong tadhana ang tumututol sa pagmamahalan namin ng babaeng pinakamamahal ko.

Kung ikaw ako, hanggang saan ang kaya mong gawin para ipaglaban ang taong mahal mo?

Paano kung kahit gaano mo siya kahigpit hawakan ay unti-unti siyang bumibitaw sa'yo?

Paano kung sa bawat paghakbang mo palapit sa kaniya ay siyang atras niya palayo sa'yo?

Paano kung kailangan mo na syang pakawalan kahit ayaw mo?

.

.

.

Paano kung ikaw ako?

...Iñigo dela Torre certified Casanova daw sabi ng marami. Pero iyon lang ang alam nila tungkol sa akin. Hindi nila alam ang totoong ako. Sa madaling sabi, hindi nila ako kilala.

Isang tao lang ang nakakakilala sa akin. Ang babaeng mahal na mahal ko. Ang babaeng unang kita ko pa lang hindi na nawala sa puso ko.

At ang babaeng 'yon ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ng sobra ngayon...

Kung gusto ninyong malaman ang buong kwento subaybayan ninyo ang Diary nya at...


Diary ko....

Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon